Saturday, February 03, 2007

habang hinihintay kong matapos ang ikatlong batch ng aking labadami-labango. sasagot muna ako ng tag na nakita ko sa blog ni ate melai. kahit hindi naman naipasa sa akin ang tagay, eepal na lang ako at iseshare ko na rin ang mga bagay na naidulot sa akin ng blogging.

malapit na rin akong magtatlong taon na nagsusulat ng kung ano-ano dito sa cyberspace. yung una kong blog sinimulan ko nung nasa pinas pa ako. at marami na ring nagawa ang pagbablog na ito.

  • nagkaroon ulit ako ng kontak sa ilan sa mga elementary classmates ko. parang kay rose at aggie ko nakuha ang idea. sayang lang at di na nag-uupdate si rose. si aggie naman active pa rin kaya madalas akong makichismis sa blog niya.
  • nagkaroon ako ng mga bagong kakilala. may nameet akong isang pinoy na nagtatrabaho dito sa kyoto. at paminsan-minsan nakakasama namin siya sa mga party. at syempre ngayon, ang dami kong binabasa tungkol sa mga buhay ng bagong kakilala. at sana, magkaroon ng pagkakataon na makilala ko sila sa labas ng cyberspace.
  • natuto akong maging madaldal. hindi naman kasi ako talaga chikadora. kuntento na ako sa patango-tango, pagsabi ng "ay talaga?", "grabe no?" "eh, ganyan e" at kung ano-ano pang maiigsing komento. pero dahil panget naman kung puro one-liner lang ang magiging entry ko, ayun naging masalita din ako. tingnan niyo, ang haba ng sinabi ko dito, e yung importante first line lang. hehehe.
  • natuto rin akong magshare. mga dating experience, mga pananaw sa buhay, sikreto, minsan angsts. hirap ako dyan sa departamentong iyan e. pero kailangan may ma-iblog kaya nailalabas. hahaha.
  • nadiskubre ko ang computer language. hahaha! joke. ang totoo natuwa ako dahil kahit papaano, may bago akong nalaman sa tungkol sa computer. kahit na hindi ko pa talaga gamay ang pangangalikot ng template at kulang pa rin ang aking kaalaman sa mga software na pwedeng gamitin para dito, at least may drive ako na matuto. heheh. drive lang.
yan lang muna. tapos na ang labada at kailangan nang isampay dahil sayang ang sikat ng araw.

4 Comments:

ghee said...

wow!3 yrs ka nang nagbablog?

natuto kang maging madaldal?eh di masarap ka palang kachika?hehe

tuloy ka ba sa Tokyo?

ann said...

Ako rin ang dami kong na meet ulit sa mga old friends mula noong mag start ako magkalikot ng computer.

Pero pinakamagandang nagawa ng blogging skin ay bawas homesick, kung nasa pinas siguro tayo ay wala masyadong time mag blog sa dami ng gagawin doon.

karmi said...

ang tagal mo na palang blogger ate ria.. :) at dahil dito naging madaldal ka?! hehehe.. may magandang epekto ang blogging sau ate..:)

tama si ate ann..kung nasa pinas siguro ako, di rin ako makakapagblog ng ganito kadalas dahil bc-bchan ako.. hehehe..

tc!

Paolo said...

malaki talaga ang naitutulong ng blog . lolz

korek ka about reunion sa mga dating kaibigan kasi marami rin akong nahanap na long lost friend sa blog. =P

blogger templates | Make Money Online