Monday, February 19, 2007

kamakailan lamang nakinig ako sa isang forum tungkol sa migration na nakapokus sa mga pilipino. tatlong pilipino ang nagsalita mula sa magkakaibang area: economics, politics, at sociology. bago ako magkuwento tungkol dito, gusto ko lang sanang itanong sa mga nabibisita dito, dahil karamihan ng nasa links ko ay wala sa pinas:

bakit wala kayo sa pilipinas?

4 Comments:

Angela said...

Kasi nag-migrate ang pamilya. Sabi nila kasi mas maganda daw ang magiging kinabukasan namin sa ibang lugar dahil sa kaledad ng edukasyon at sa dami ng job opportunities. >D

dangkin said...

ako naman.. una, kasi, taga-rito ang napusuan ko. marami-rami din akong naging kaibigang lalake, pero kakaiba talaga sya..di gaya ng mga lalake dun sa atin, malambot ang puso. mas malambot pa yata sa akin. ayoko ng ganun. minsan, mahirap pa paintindihin kahit pareho salita nyo.

pangalawa, kung dun ako sa atin, cguro todo kayod ako ngayon para sa buong pamilya. mula lunes hanggang biyernes, minsan hanggang sabado pa. nakakapagod. aabutin pa ng syam-syam bago tumaas ang rangko mo, lalo na pag di ka anak ng "diyos".

yun lang. :)

manilenya said...

uhmmn maikling kwento lang yun hindi ko na hahabaan pero ewan ko lang kung maikukwento ko, pag-iisipan ko pa :)

Linguist-in-Waiting said...

Ako naman dahil sa edukasyon. Kilala mo ako kaya hindi ko hahabaan, pero hinanap ko ang lugar kung saan mataas ang kalidad ng edukasyon. Hindi ko sinasabi na mababa ang kalidad sa Pilipinas, pero medyo huli nga lang, at walang mapag-pipilian.

Isa pa, pera din ang dahilan. Nandito ako ngayon, isang "fellow" at tumatanggap ng suweldo para mag-aral at mag-turo. Kung nasa Pilipinas ako, todo-kayod ako para lang buhayin ang sarili ko.

Lolo

blogger templates | Make Money Online