Friday, February 16, 2007

matapos kong maipasa ang aking thesis, nakalutang na ako dito. pakiramdam ko wala na akong kailangang gawin kundi maghintay ng desisyon mula sa aming graduate office. hindi ko na rin binalikan ang aking research simula nang pumasok ang pebrero. naging abala ako sa pagpapahinga at pag-iisip kung paano aayusin at didispatsahin ang mga gamit ko dito. ang hirap ng nakabitin. hindi ko pa maipagsigawan na ako ay may MA degree na dahil wala pa namang opisyal na dokumento. dahil dito, napupuno ako ng takot, tanong at pangamba. paano kung hindi ako kasama sa listahan ng gagraduate? paano kung walang resulta ang pagiging malayo ko sa aking pamilya? saan na lang ako pupulutin sa pinas kapag umuwi akong walang natapos? sa isang papel nakadepende kung anong magiging kinabukasan ko (parang over naman yata ito), o kung ano ang mga susunod kong hakbang sa buhay.

at kahapon, nakatanggap ako ng email mula sa international office. may tiket na ako pauwi. handa na silang patalsikin ako sa lupa ng bumababang yen. uuwi na ako, may degree o wala. kapag wala, out na ang pagtuturo. bukod pa dun parang mababalewala ang ginugol kong panahon dito. kahit na sa tingin ko at alam ko na mas higit pa ako dun sa matatanggang ko (sana) na sertipikasyon na nakapagtapos ako. dahil lang sa isang papel, na hindi naman sinasalamin kung ano ang mga natutunan ko dito, kung paano ako nagbago at lumago bilang isang tao.

ano ba itong mga insecurities ko? di ko keri. pakibatukan nga ako (wag masakit ha).

1 Comment:

Linguist-in-Waiting said...

Everybody undergoes this period, according to my professor. A period of insecurity after finishing a degree. A period where you think that you don't know anything, a period where you lose trust on yourself and your capabilities. But don't worry. You will pass. If your paper was nothing, then your adviser must have pointed it out from the beginning. In short, you won't have a paper to turn in in the first place if the paper was crappy.

blogger templates | Make Money Online