Wednesday, February 07, 2007

nakahinga na talaga ako ng malalim. kapag may exam kang kinuha, dalawa lang ang pwedeng resulta. pasado o bagsak. minalas lang ako ngayon. sabi nga ng mga pinagsabihan ko na hindi ako pumasa, may next year pa naman. at mataas na level na naman yung kinuha ko. (may mga kasabay akong nagtake ng exam pero sa ibang level at pumasa sila.) hindi pa naman tapos ang pakikibaka.

pagpasok kasi ng taon, inasahan ko na may awa ang Diyos at papasa ako. ibang-iba noon sa pakiramdam ko pagkatapos ng exam: windang. ayun, ang siste e umasa lang ako.

hindi naman sa hindi ako nagprepare. sa katunayan, nagreview ako a week or two weeks before the test. kaso ganun lang talaga. kinulang ako sa gawa. kaya hindi umepek ang awa.

"Bahala na." Yan ang naging attitude ko. Sa San Francisco, parte yan ng chant sa play na tinugtugan namin. Galing daw sa "Bathala na, bahala." Ipinagpapasa-Diyos na lang ang lahat. KAPAG NAGAWA NA NG TAO LAHAT NG KAYA NIYANG GAWIN. yun ang nakalimutan ko.

iniisip ko na lang na maganda din na ngayon ko natanggap ang balitang ito. hindi ko pa birthday. sisigaw na ako ngayon, malulungkot ng konti. para bukas tanggap ko na. at old news na ito. pwede nang kalimutan ito. tutal, bukas bagong simula na.

2 Comments:

ghee said...

Belated happy bday,Ria!too bad about ur exam,pero habang may buhay,may pag asa nmn db?

good luck na lang sa next mong exam :)

i got ur email,thanx!may plano akong pumunta ng Tokyo,plan B nga lang yun,so txt na lang kita if ever. :)

enjoy ur day!

Linguist-in-Waiting said...

Nihongo Kentei 1-kyuu? Try na lang ulit next year. Forget about this year as soon as possible, and move on.

blogger templates | Make Money Online