Sunday, February 04, 2007

nakapanood ba kayo dati ng isang palabas kung saan pinapakita ang pagpapahirap sa mga katoliko sa japan. hindi ko alam kung kelan ko eksaktong napanood o kung saan o kung bakit, pero hanggang ngayon nasa ala-ala ko pa rin si san lorenzo ruiz at kanyang mga kasama na tinotortyur ng mga hapon. malinaw pa sa isipan ko ang pagpapa-inom ng galong-galong tubig kina san lorenzo ruiz pagkatapos ay papahigain sila at lalagyan ng tabla ang tiyan saka tatapak-tapakan. meron din akong memory na tinutusok ng matatalas at mahahabang bagay ang dulo ng daliri nila. pinapasok sa may kuko. hindi naman siguro constructed memory ito, ano? sila ang mga martyr na kinikilala dito ng mga katolikong hapon. (hindi ako sigurado sa mga hindi katoliko. itatanong ko nga minsan sa mga kaklase ko.)

kanina naman, ang misa ay isang commemorative event para alalahanin ang 26 Martyrs of Japan. tatlong beses na akong nakapagsimba ng ganitong panahon dito at sa unang dalawang beses, akala ko kasama sa 26 si san lorenzo ruiz. kanina lang ako naliwanagan. may mga nauna pa pala.

***************
sa ibang church yung service kanina. hindi sa madalas kong puntahan kung saan nandun ang filipino community. marami ring pinoy kanina. madaming beses na rin akong naka-attend ng misa in japanese at karamihan ng tao ay hapon din. (sa regular kong pinupuntahan kasi, english mass. iba-ibang foreigners ang pumupunta, pinakamarami pinoy.)

iba ang feeling.

sa misang japanese, una kong napansin ay tahimik ang misa. magsasalita ang pari, sasagot ang mga nagmimisa. walang mga batang umiiyak (walang mga bata talaga). walang maiingay na sasakyan. sa atin, halo-halong tunog. sasakyan, iyak, sigaw ng mga nagbebenta, etc. sa english mass dito, walang sigaw o ingay ng mga sasakyan, pero may ingay pa rin. siguro nagbubungisngisan ang mga nagsisimba.

may mga parte din sa misa na may mahahabang katahimikan: bago mag-first reading pagkatapos ng gospel, pagkatapos ng homily at bago magkomunyon. nung umpisa, hindi ako mapakali. as in sobra. naiisip ko na bakit ang tagal? ano pang ginagawa? pagkatapos kong kausapin yung paring pinoy, naliwanagan na naman ako. mas okay daw yun. para may time kang makapag-isip at maintindihan yung misa.

on time din ang simula ng misa kapag japanese mass. yung english mass, 3pm dapat nagsisimula. sa tinagal ko dito, wala akong matandaang misang nagsimula ng itinakdang oras. minsan, malelate yung lector. may time dati na nakalimutan ng pari na siya ang magcelebrate ng misa. minsan, alas tres na ako aalis dito sa bahay, magbike papuntang church (20mins ang layo) at maabutan ko ang simula ng misa. palagi kong naiisip na hindi naman magsisimula ng 3pm kaya okay lang mahuli. nakakatawa lang kasi 3pm ang press release at nalelate. siguro kasi iniisip ng mga nag-aayos ng misa na ok lang malate kasi late din naman ang mga pinoy. hindi naman ganun kadami ang nagsisimba kaya okay lang na maghintay. e kaso, minsan 3:30 na magsisimula ang misa, may papasok na mga tao habang naghohomily ang pari. walastik ano?

***************
ang tagal kong iniisipan ng conclusion itong entry. wala akong maisip. marami pa kasi akong gustong isulat pero hindi na konektado sa unang thought. hmmm. babalikan ko na lang ito.

1 Comment:

Paolo said...

meron pang part kay san lorenzo ruiz yung tinatanggalan siya ng kuko.

blogger templates | Make Money Online