Tuesday, February 27, 2007

noong nakaraang linggo ay naganap ang plum blossom festival sa kitano tenmangu shrine. isang shrine na dinadaanan ko kapag ako'y pumupunta sa skul. last year ko lang nalaman na isa sa dinadayo dito ay ang plum blossoms. last year, nagkataon lang na maganda ang panahon kaya nagdecide akong maglakad at may bitbit din akong kamera kaya naman ang dami kong nakuhang pictures. ngayong taon, pumunta kami sa shrine sakto sa pagdiriwang ng festival. hindi pa masyadong namumulaklak ang mga plum. pero ang dami pa ring pumunta, dahil festival nga.

bukod sa plum, ang kitano tenmangu shrine ay puntahan din ng mga estudyante para magdasal na makapasa sa kanilang mga examination. ang deity dito ay si michizane sugawara, kilala bilang patron ng pag-aaral at mahilig siya sa plum.

nung feb.25 ang araw ng kanyang kamatayan. bilang pag-alala, may malaking event sa shrine, bukod pa sa buwanang bazaar, may mga maiko din na nagserve ng tea (hindi na ako pumunta dun dahil kailangang magbayad). wala akong naabutang performance. sayang. hirap na hirap akong sumilip sa lugar kung saan ginaganap ang tea ceremony. siksikan kami ng ibang japanese (may kuripot din palang japanese).

enjoy niyo na lang ang ilang pictures na nakuha ko.

1)daming tao! daming tao! 2)pila para makapag-wish
Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting
3) ikebana - flower arrangement 4) maiko na nagtatago
Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting

3 Comments:

ghee said...

ang ganda!!at ang daming tao,grabeh!
oo nga pala,Plum Blossoms na,meron ding malaking park dito na dinadayo dahil sa Plum Blossoms,makapunta na nga rin :)

countdown na...

dangkin said...

yung dami ng tao, naalala ko ang prosesyon sa quiapo :)

ann said...

Ano yung maiko?

blogger templates | Make Money Online