Thursday, February 22, 2007

Takarazuka

(wow may title ang entry!)

dahil sa ilang linggo na lang ay ipapatapon na ako pabalik sa pinas, asal turista na naman ako. ang aking misyon sa nalalabing panahon dito sa japan ay maglagwatsa, magpapiktyur, at ma-experience ang mga bagay na wala sa pinas. magastos, oo. pero hindi ko alam kung kelan ako ulit makakabalik dito kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon. at isa pa, ano naman ang gagawin sa pera? (bwahahaha! ang rich ng dating!)

eniweys, isa akong turista ngayong araw. pumunta ako sa takarazuka, sa may osaka kung saan may isang grupo ng artist dun na may parehong pangalan sa lugar. ang TAKARAZUKA ay grupo ng performers kung saan lahat ng miyembro ay babae. at yung mga babae na nasa role ng lalaki, e parang lalaki talaga. hindi yung tipong brusko. parang mga lalaking japanese na napapanood ko sa tv na lelembot-lembot (pero hindi naman gay). naisip ko tuloy na ang male roles sa takarazuka ang siyang inspirasyon kung paano sumayaw o kumilos ang ibang lalaking artista dito, katulad ni kimura takuya at jun matsumoto.

Photobucket - Video and Image Hostinghindi naman nasayang ang pinambili ko ng tiket (3,500yen). tatlong oras kami sa theater, sa pinakalikod. kaya lang sa upuan namin hindi ko na makita kung paano ang make-up ng performers. ang layo naman kasi. muntik ko nang sabihin sa kasama ko na lumipat kami sa mas harap kasi hindi naman puno yung theater. aba, bago ko pa nasabi, may gumawa na, isang grupo ng mga babae. mula dun sa parehong linya namin pumunta sila sa pinaka-unang row ng box namin. iba na ang presyo ng tiket dun. kaso ilang sandali lang, may lumapit na usherette sa kanila at pinabalik sila. kakahiya.

Photobucket - Video and Image Hostingdalawang palabas ang napanood namin. isang detective story at isang sayawan. natuwa talaga ako. ang ganda ng stage! bongga! umiikot, tumataas, bumababa. ang at design, ilaw, panalo! at may live orchestra! ilang beses kong nilabas ang camera ko at phone para kumuha ng piktyur kaso may nakabantay sa likod.

panalo din ang costume. maganda ang production. parang very, very, very special, with a very, very, very big budget na GMA Supershow! pero totoo, na-appreciate ko ang napanood ko. at halata sa kilos ng mga performer ang disiplina nila para sa pinasok nilang career.

ang sarap maging turista. at least naranasan ko ito. meron pang kabuki at sumo. pero hindi ko alam kung kakayanin pa. malalaman niyo na lang dito sa blog. (binabalik ko lang pala yung perang natanggap ko sa nagbigay nito!)

4 Comments:

rHo said...

buti naman at nag-enjoy ka te!! tlga?? puro babae sila... ang galing naman! kahit lalaking role e ginampanan ng rin ng mga babae! hehehe!

saan naman kaya ang susunod mong pasyal?! nyahahaha!

ghee said...

one week na lang uuwi ka na?kalungkot nmn...

uy,ang swerte mo,di namin napasok yan noon,ang napuntahan namin ay takarazuka amusement park kasi maliit pa ang eldest ko,hahaha!dinaanan lang namin yan..

touched ka rin ba?ang ganda ganda raw panooorin nyan

ria said...

rho, yup puro sila babae. grabe ang make-up kapag lalaki yung role at ang kilos at galaw!

mami ghee, hindi naman isang linggo. mas matagal pa doon. hindi ko pa naayos ang aking gamit! =)

Angela said...

sensei! tungkol dyan ang irereport ko (wala akong mahanap na sources sa ibang topic eh). hehe. sa susunod kapag nakuha ko na yung book na kelangan ko gagawa rin ako ng entry hehehe. >D

blogger templates | Make Money Online