Thursday, March 29, 2007

kahapon, nakatutok sa iisang pangyayari ang buong pinas at pati ang international community. paggising ko pa lang ang balitang iyon na ang laman ng TV: ang paghostage sa isang bus na puno ng mga batang nasa pagitan ng lima at pitong taong gulang.

parang isang malaking drama ang lahat. nang makita ko si bong revilla na makikipagnegotiate sa punong hostage taker (na kumpare niya) biglang pumasok sa isip ko: SCRIPTED ba ito? pero hindi naman siguro, ideya lang yun ng isang cynical na tao.

nagsimula ang hostage drama ng bago mag-alas diyes ng umaga at natapos ng alas siyete ng gabi, nang palayain na ang 31 bata at 2 guro (ang nakasulat sa headline ngayon ay 26 lang).

lumabas kami ng bahay kaya naman hindi rin namin nakita ang developments. nakinig na lang kami sa radio. at pagkauwi namin, biglang starring na rin si chavit singson. matapos palabasin ang mga bata, kinuha ang ammunition ng hostage takers. may 2 granada at uzi. si chavit ang kumuha ng granada at nagbigay sa mga kinauukulan. (habang hawak niya eh naiisip ko na ano kaya kung sumabog?) tanong niyo kung bakit biglang nandun si chavit? well, kasama daw niya sa mindanao yung isa pang hostage taker kaya siya nakipagnegotiate din.

at sa pakikinig din namin na maraming nanamantala. dahil maraming usisero't usisera, naging maganadang pagkakataon ito para sa mga nangangampanya na mamigay ng mga t-shirts, etc. at meron ngang gumawa nun!

nang matapos ang hostage drama, umuwi si papa dito sa bahay. at ang bukambibig ay scripted lang daw ito, isang drama lang, nandun si chavit dahil hindi lumalabas sa survey... bukambibig ng taong cynical.

ang paghohostage kahapon ay isang paraan upang maiparating ng taker ang kanyang hinaing at kahilingan. kahilingan para sa edukasyon ng mga batang pinag-aaral niya. hinaing sa mga pangyayari sa society natin. pagbibigay ng warning sa kapwa sa darating na eleksyon. mga hinaing at hinanakit na narinig na natin nung Oakwood Mutiny. mga hinaing at pag-aalala na nararamdaman ng bawat isa sa atin. sana lang wag ma-inspire ang ibang tao na gumawa ng similar na aksyon tulad ng nangyari kahapon.

Tuesday, March 27, 2007

hindi ako nawawala. hindi ako nilamon ng alien. ako ay nagbabalik at unti-unting umaahon sa kumunoy ng basura, ingay, trapik at init na mas kilala sa tawag na pinas (drama lang).

isang linggo bago ako nakauwi dito sa pinas ay maraming nangyari. uunahin ko na muna ito:

(ang pic ay mula sa isang friend. galing mo kumuha, mads!)

Thursday, March 22, 2007

hindi ko kailangang umiyak para malaman
na may kapiraso sa pagkatao ko ang maiiwan
na may parte ng puso kong napupunit

Sunday, March 18, 2007

waaah! natabunan na ako ng mga last-minute na kailangang gawin bago umalis. well, hindi pa pala last-minute kasi may isang linggo pa naman ako dito. pero sa isang linggo na iyon kailangang isiksik ang pagpapaalam, pag-aayos ng gamit, isa pang trabaho, graduation, graduation party, at pictorials dito sa kyoto. i am so happy that i'm so busy.

pero kagabi naisip ko na sobrang pagod ito (nakakaidlip na nga habang may kachat) at kung pwede bang sa isang iglap e maayos na ang gamit, magtipon sa isang lugar ang mga taong kailangan kong makita para magkaroon ako ng oras para magpaalam sa kyoto, sa buhay ko dito, at sa diyosang dalawang taong tumira dito.

ang daming nangyayari dito. pero isa sa hindi ko inasahan ay ang pagpatak muli ng snow. ang tahimik kaninang paggising ko. nang buksan ko ang bintana ay para na naman akong bata na sumaya dahil sa andyan ang snow. pumapatak nang tahimik at binabalot ang kapaligiran ng isang misteryo. kung hindi lang malamig at wala lang akong kailangang gawin dito sa loob ng kwarto e bumaba na ako, pumunta sa park at umupo at nagmuni-muni.

pero dahil malamig talaga, nagkasya na lang ako sa pagkuha ng picture sa labas ng kwarto namin. share ko na lang sa inyo at pasensya na kung puro bubong yan. hehehe.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

Thursday, March 15, 2007

naramdaman ko ang unang lungkot kahapon sa aking pag-alis nang magpaalam ako sa aking part-time job. nagsimula akong magturo ng english sa isang language center (na isang oras ang layo sa bahay kapag naglakad) noong october. isang beses lang sa isang linggo, isa hanggang dalawang oras. hindi kalakihan ang bayad pero sapat na para makakain sa masasarap na lugar sa pinas paminsan-minsan. (inipon ko kasi ang natanggap ko simula noon at kasama siya sa budget ko habang wala pa akong trabaho sa pinas.)

kahit gaano pala kaigsi at kadalang mong gawin ang isang bagay, nagkakaroon ka pa rin ng attachment. at kapag mapuputol na yun, natural lang na malungkot.

nagkaroon tuloy ako ng enlightenment habang nasa bus na kung gugustuhin ko talaga, magkakaroon ako ng niche dito. masusuportahan ko ang sarili ko dito at makakatulong pa rin ako sa pamilya ko.

kaso hindi ko ginusto talaga. feeling ko lang talaga na ngayon habang nandito ako eh may natutulungan na ako, pero mas marami pa akong mako-contribute kapag nakabalik na ako.

Tuesday, March 13, 2007

naalala niyo pa ba ang sensei ko na may kembot? nagplano ang isa kong kaklase ng lunch date kasama ang sensei na iyon. kanina nangyari ang lunch date. ang gwaping talaga ng professor ko na yun. at yung kembot niya? walang ibang kahulugan, sa tingin ko lang. kasama niya kanina ang kyut na kyut niyang anak na may hawig sa kanya. gwapito din ang bata. at sobrang active kanina dahil siguro nakalabas at nakakita ng magagandang nilalang. hehehe.

mas gumwapo si sensei sa paningin ko. nilibre niya kami ng lunch eh. HAHAHA. aktuwali, nakalimutan niya na may lunch date siya kasama kami. na-late siya at para mapalubag ang loob namin at mapahupa ang gutom namin eh siya na ang nagbayad. swerte.

at sa susunod na linggo, meron ulit plano. pupunta kami sa isang pasta place na special ang pasta. muntik ko nang sabihin sa isa kong kaklase na mag-oorganize na dapat next time sasadyain na namin na ma-late siya para makalibre ulit kami.

Monday, March 12, 2007

ang ganda ng araw sa labas. kahit may blinds dito sa computer room, pinipilit pasukin ang kwarto ng sinag ng palubog na araw. inaanyayahan akong lumabas at magpalipas ng oras sa isa sa mga upuan sa labas. malamig ang hangin pero hindi naman ako magiging yelo kapag nagtagal doon para lang umupo at magpalipas oras habang umiinom ng mainit na cocoa mula sa vending machine.

pero nandito ako sa loob at patuloy na hinahangad ang pwede kong magawa sa labas. sana lang matapos ko na itong ginagawa ko para naman maenjoy ko na ang tumatakbong oras ko dito. gusto ko nang mafeel na graduate ako. yung lumabas, kumakain sa sosyal na lugar (hangga't nandito pa ako eh kaya pa ng bulsa). pero kaya nga pala ako nandito sa harap ng computer e para mas bongga ang mapupuntahan kong lugar at mas masarap ang makakain kong pag-ibig.

nakakatawang nakakainis.

Friday, March 09, 2007

It's Official!

ngayong umaga ang official na labas ng list of graduates. nagbukas ako ng laptop bandang alas-nuwebe. may bagong news sa website ng ritsumeikan, pwede nang ma-access ang official list. kinlik ko agad yun kasi ang sabi, pwede lang ma-access simula alas-diyes. e di naghintay ako. nagluto muna ako ng adobong manok na may gata. pagkatapos nun, ina-access ko ulit yung link. kailangang i-input ang student number at password. nung ginawa ko, hindi ko naman ma-access. ilang beses kong sinubukan pero ang lagi lumalabas e baka daw mali ang student number o password ko. pinakaba pa ako. naisip ko tuloy na error message ang lumalabas kapag hindi pasado. part ng pagiging polite ng mga hapon.

pumunta ako sa skul para hindi ako madistrak sa kalat sa bahay (hindi pa ako nagsisimulang mag-impake). inabutan ko ang taong nagsasabit ng announcement sa bulletin board. dahil nakakahiya namang hintayin ko kung ipapaskel na niya ang listahan ng graduates, pumasok muna ako sa computer room. pero hindi ako mapakali kaya lumabas din ako agad. at nasa bulletin board na nga ang mga student numbers. at salamat naman eh nandun ang student number ko. yehey! wala nang makakapigil sa pagmamartsa ko.

ang inyong lingkod,
diosa master diosa

Thursday, March 08, 2007

International Women's Day

mga babaeng nagbibigay ng liwanag sa bawat tahanan,
mga babaeng nagpapalakas at sumusuporta sa kanilang katuwang,
mga babaeng humuhubog ng susunod na henerasyon,
mabuhay kayo!

sa mga babaeng paminsan-minsan ay nasisilip ko ang parte ng kanilang buhay dito sa cyber space, isang pagpupugay ang handog ko sa inyo.

\(^.^)/

Wednesday, March 07, 2007

somebody was kind enough to buy me a gift for graduation. and with the gift, i will enter a whole new world (may kasamang paggalaw ng buntot). baguhan ako at kailangan kong mag-aral ulit. pero sa pagkakataon ito, wala akong kailangang ipasang mga term papers o exams na kailangang pagbutihan. ang kailangan ko lang ay magbasa sa internet ng tungkol sa apperture, focus, etc. basta kung papaano kukuha ng isang panalong picture gamit ang aking hobi-chan.

look naman. point and shoot pa lang ang alam ko, maganda na labas ng kuha ko. i am so excited. bitbit ko na si hobi-chan kahit saan man ako magpunta, lalo na sa natitirang linggo ko dito. my gulay! hindi ako makapaniwala na may hobi-chan ako.

Tuesday, March 06, 2007

tubig-ulan na naipon ng dahon
sa init ng araw
unti-unting matutuyo

tubig-ulan na naipon ng dahon
sa mahinang pag-ihip ng hangin
papatak
aagos
mauubos

Monday, March 05, 2007

nakasalubong ko ang isa sa aking sensei habang papunta ako sa opis ng isa ko pang professor. una ko siyang nakita at napansin kong may kausap siya sa phone kaya naman naisip ko na magba-bow lang ako at ngingiti kapag nagkalapit na kami.

nang magkatapat na kami ay tamang-tamang natapos na rin ang kanyang phone call. kaya huminto at binati siya.

AKO:  先生、こんにちは。Hi, Sensei.
PROF: どうですか?Musta?
AKO: 元気です。Mabuti naman.
AKO: 先生、卒業する人のリストはまだ出てないですかね。Sensei, hindi pa lumalabas ang listahan ng gagraduate ano?
PROF: え、まだですか?でも、もうわかっていますから。Ah, hindi pa ba? Pero siyempre alam na namin.
AKO: (nangiti at nagtatanong ang mukha)
PROF: もちろん、OKですよ。Siyempre, ok ka na. (Ikaw pa?! Eh ang galing-galing mo! Ang sipag-sipag mo. Walang-wala sa iyo ang mga kaklase mo. Hindi ka dapat nag-aalala na.)

Yung last part ng conversation na naka-parenthesis ay hindi totoong nangyari. Hehehe. Feeling ko lang yan ang gusto niyang sabihin, o gusto kong marinig. Hahaha!!!

Por dat, mamartsa ako sa march 22. Iisipin ko na lang kung ano ang aking isusuot. =)

(nakahinga na ako ng malalim...)

(SALAMAT PO!)

Saturday, March 03, 2007

kapag wala nang klase, at mga kaibigan ay nasa ibang bansa na at nagpapakasaya, dapat ako din e kahit papaano gumagala. lalo na kung bakasyon na at sabado pa! parang doble bakasyon. pero ngayong sabado, kung may naghahanap sa akin, e madali akong makita dahil nandito lang naman ako sa isa sa paborito kong lugar sa aking paaralan, ang IT room.

halos isang buwan itong sarado at nagtiis na lang ako sa mas maliit na computer room kung saan meron lamang 10 computers at iisang computer lamang ang nakakabit sa printer. dito kasi sa main IT room (na ngayon ay new and improved!), may 34 na computer na lahat ay konektado sa dalawang sosyal na printer (na libre!).

hanggang kahapon ay hindi ito pwedeng gamitin. at ngayon imbes na maglakwatsa at gumastos, napag-isipan kong magtipid at kumita sa pamamagitan ng paggawa ng corpus project kaya naman nandito ako sa IT room.

laking gulat ko ng buksan ko ang pinto. walang tao. malinis ang kwarto. at higit sa lahat mas pinabongga pa ito. at dahil kahit papaano ay armado ako ng kamera (sa cp), eto po ang resulta ng pagiging excited ko sa isang room na ako lang ang tao...




grabe. nakakaexcite na makakita ng ganitong room. lahat yang computers gumagana. nakakabit sa internet at siyempre mabilis ang koneksyon. siguradong mamimiss ko ito.




at siyempre kailangan nandyan ang mukha ko. bongga ang fone ko, may timer! at sobrang dilaw ko pala. hehehe.

Thursday, March 01, 2007

aba'y tingnan niyo nga naman ang bilis ng panahon. nasa ikatlong buwan na tayo ng 2007. at nabibilang na rin ang aking masaya, stable, at bakasyonistang buhay dito. hmmm. tatlong linggo na lang. kailangang sagarin na ang bawat araw. medyo may mga raket pa rin akong inaatupag kaya dapat maayos ang lakwatsa at raket. siyempre sinusutentuhan ng raket ko ang aking mga lakwatsa. pero dahil pagbalik ko sa perlas ng silangan ay wala akong tiyak ng trabaho, kailangang matipid ang bawat paglabas ko ng bahay para naman hindi ako maging pulubi. ayokong maging natatanging balikbayang purita sa unang araw pa lang ng pagtapak sa pinas.

Photobucket - Video and Image Hostingpinoproblema ko ngayon kung paano aayusin itong lungga ko. sa liit ng kwarto na ito eh dalawa pa kaming nakatira. bawas gastos pero doble sa kalat!

eto namang litrato sa baba ang side ko ng kwarto.

Photobucket - Video and Image Hostingsa loob ng halos dalawang taon ay marami akong basurang naipon na itatapon ko sa pinas. andyan ang mga libro (may balak pa akong bumili), manga, cds, at kung anik-anik pa. parang kukulangin ang isang balikbayan box. marami pang nakatago closet at sa ilalim ng kama. at yung mga kahon sa bandang

ayan, wag sana kayong mandiri sa kadugyutan ko. hehehe.

salamat sa mga masisipag na nag-uupload ng videos ng KAPUSO, updated pa rin ako kahit papaano sa paborito kong palabas, ang eat bulaga. at pag sinipag akong manood (ibig sabihin, tinamad gumawa ng mas kapaki-pakinabang na bagay) ay nanood pa ako ng s-files at starstruck. may idea ako sa mga chismis, bagong magjo-jowa, naghihiwalayan, etc.

ngayon lang napanood ko yung interview ng nalink kay james yap na asawa ni kris aquino. at share ko lang sa inyo ang isang linyang gasgas na gasgas na gasgas na.

"ang naging kasalanan ko lang po, eh, yung nagmahal ako..."
-- HOPE (nagkasala dahil nainlab kay james yap)

fwede vah?!

blogger templates | Make Money Online