Friday, March 09, 2007

It's Official!

ngayong umaga ang official na labas ng list of graduates. nagbukas ako ng laptop bandang alas-nuwebe. may bagong news sa website ng ritsumeikan, pwede nang ma-access ang official list. kinlik ko agad yun kasi ang sabi, pwede lang ma-access simula alas-diyes. e di naghintay ako. nagluto muna ako ng adobong manok na may gata. pagkatapos nun, ina-access ko ulit yung link. kailangang i-input ang student number at password. nung ginawa ko, hindi ko naman ma-access. ilang beses kong sinubukan pero ang lagi lumalabas e baka daw mali ang student number o password ko. pinakaba pa ako. naisip ko tuloy na error message ang lumalabas kapag hindi pasado. part ng pagiging polite ng mga hapon.

pumunta ako sa skul para hindi ako madistrak sa kalat sa bahay (hindi pa ako nagsisimulang mag-impake). inabutan ko ang taong nagsasabit ng announcement sa bulletin board. dahil nakakahiya namang hintayin ko kung ipapaskel na niya ang listahan ng graduates, pumasok muna ako sa computer room. pero hindi ako mapakali kaya lumabas din ako agad. at nasa bulletin board na nga ang mga student numbers. at salamat naman eh nandun ang student number ko. yehey! wala nang makakapigil sa pagmamartsa ko.

ang inyong lingkod,
diosa master diosa

6 Comments:

rems said...

master diosa, sipo diosa, congratulations to you. muaaahhhhggg!

proud to be pinay! ang galing mo!

kelan ka ba uuwi, gusto kong chumika sayo, sabi kase ni te ghee, kaw daw kausapin ko hehehehe...

melai said...

uy dyosa congrats :) balato ha lol!! parang nanalo sa lotto :)
pasalubong na lang pag uwi ng pinas padala mo dito sa Singapore lol!

rHo said...

yeessss!!! congrats te.. sa wakas!! ang galing-galing naman talaga...

dangkin said...

pssst! CONGRATULATIONS!!! iwagayway ang bandilang pilipino! :))

ann said...

Hello master diosa! Congrats! Welcome Pinas na ba?

Paolo said...

uy congrats! pa canton ka naman dyan!

blogger templates | Make Money Online