Thursday, March 29, 2007

kahapon, nakatutok sa iisang pangyayari ang buong pinas at pati ang international community. paggising ko pa lang ang balitang iyon na ang laman ng TV: ang paghostage sa isang bus na puno ng mga batang nasa pagitan ng lima at pitong taong gulang.

parang isang malaking drama ang lahat. nang makita ko si bong revilla na makikipagnegotiate sa punong hostage taker (na kumpare niya) biglang pumasok sa isip ko: SCRIPTED ba ito? pero hindi naman siguro, ideya lang yun ng isang cynical na tao.

nagsimula ang hostage drama ng bago mag-alas diyes ng umaga at natapos ng alas siyete ng gabi, nang palayain na ang 31 bata at 2 guro (ang nakasulat sa headline ngayon ay 26 lang).

lumabas kami ng bahay kaya naman hindi rin namin nakita ang developments. nakinig na lang kami sa radio. at pagkauwi namin, biglang starring na rin si chavit singson. matapos palabasin ang mga bata, kinuha ang ammunition ng hostage takers. may 2 granada at uzi. si chavit ang kumuha ng granada at nagbigay sa mga kinauukulan. (habang hawak niya eh naiisip ko na ano kaya kung sumabog?) tanong niyo kung bakit biglang nandun si chavit? well, kasama daw niya sa mindanao yung isa pang hostage taker kaya siya nakipagnegotiate din.

at sa pakikinig din namin na maraming nanamantala. dahil maraming usisero't usisera, naging maganadang pagkakataon ito para sa mga nangangampanya na mamigay ng mga t-shirts, etc. at meron ngang gumawa nun!

nang matapos ang hostage drama, umuwi si papa dito sa bahay. at ang bukambibig ay scripted lang daw ito, isang drama lang, nandun si chavit dahil hindi lumalabas sa survey... bukambibig ng taong cynical.

ang paghohostage kahapon ay isang paraan upang maiparating ng taker ang kanyang hinaing at kahilingan. kahilingan para sa edukasyon ng mga batang pinag-aaral niya. hinaing sa mga pangyayari sa society natin. pagbibigay ng warning sa kapwa sa darating na eleksyon. mga hinaing at hinanakit na narinig na natin nung Oakwood Mutiny. mga hinaing at pag-aalala na nararamdaman ng bawat isa sa atin. sana lang wag ma-inspire ang ibang tao na gumawa ng similar na aksyon tulad ng nangyari kahapon.

1 Comment:

melai said...

sabi nga maraming paraan para maibigay ag hinaing, pero bigla namang me sasabat na, kahit naman anumang paraan walang nakikinig o me nakikinig pero para ka ring nakipag-usap sa tuod, kaya lang din dapat hindi mga bata ang ginamit..dapat nagpunta sa malakanyang tapos yung unano dun ang hinostage baka hindi langang 145 na skolar nya ang makapag-aral hanggang kolehiyo

blogger templates | Make Money Online