Saturday, March 03, 2007

kapag wala nang klase, at mga kaibigan ay nasa ibang bansa na at nagpapakasaya, dapat ako din e kahit papaano gumagala. lalo na kung bakasyon na at sabado pa! parang doble bakasyon. pero ngayong sabado, kung may naghahanap sa akin, e madali akong makita dahil nandito lang naman ako sa isa sa paborito kong lugar sa aking paaralan, ang IT room.

halos isang buwan itong sarado at nagtiis na lang ako sa mas maliit na computer room kung saan meron lamang 10 computers at iisang computer lamang ang nakakabit sa printer. dito kasi sa main IT room (na ngayon ay new and improved!), may 34 na computer na lahat ay konektado sa dalawang sosyal na printer (na libre!).

hanggang kahapon ay hindi ito pwedeng gamitin. at ngayon imbes na maglakwatsa at gumastos, napag-isipan kong magtipid at kumita sa pamamagitan ng paggawa ng corpus project kaya naman nandito ako sa IT room.

laking gulat ko ng buksan ko ang pinto. walang tao. malinis ang kwarto. at higit sa lahat mas pinabongga pa ito. at dahil kahit papaano ay armado ako ng kamera (sa cp), eto po ang resulta ng pagiging excited ko sa isang room na ako lang ang tao...




grabe. nakakaexcite na makakita ng ganitong room. lahat yang computers gumagana. nakakabit sa internet at siyempre mabilis ang koneksyon. siguradong mamimiss ko ito.




at siyempre kailangan nandyan ang mukha ko. bongga ang fone ko, may timer! at sobrang dilaw ko pala. hehehe.

1 Comment:

ann said...

Mamimiss mo talaga yan dahil sa pinas daw ay gumagapang sa bagal ang internet connection...hahaha!

Solo mo talaga ang mundo ryan ha? Tahimik ang paligid at mukhang malamig.

blogger templates | Make Money Online