Tuesday, March 13, 2007

naalala niyo pa ba ang sensei ko na may kembot? nagplano ang isa kong kaklase ng lunch date kasama ang sensei na iyon. kanina nangyari ang lunch date. ang gwaping talaga ng professor ko na yun. at yung kembot niya? walang ibang kahulugan, sa tingin ko lang. kasama niya kanina ang kyut na kyut niyang anak na may hawig sa kanya. gwapito din ang bata. at sobrang active kanina dahil siguro nakalabas at nakakita ng magagandang nilalang. hehehe.

mas gumwapo si sensei sa paningin ko. nilibre niya kami ng lunch eh. HAHAHA. aktuwali, nakalimutan niya na may lunch date siya kasama kami. na-late siya at para mapalubag ang loob namin at mapahupa ang gutom namin eh siya na ang nagbayad. swerte.

at sa susunod na linggo, meron ulit plano. pupunta kami sa isang pasta place na special ang pasta. muntik ko nang sabihin sa isa kong kaklase na mag-oorganize na dapat next time sasadyain na namin na ma-late siya para makalibre ulit kami.

3 Comments:

rHo said...

sige lang tama yan... namnamin mo na ang pamamasyal at paglalakwatsa habang di ka pa nauwi sa atin! hehehehe!

ghee said...

may anak na pala eh,siguro graceful lang talaga kaya may kembot :)

lubuslubusin mo na Ria :)

ann said...

Oo nga, enjoy mo yung mga last days mo sa japan.

blogger templates | Make Money Online