Monday, March 05, 2007

nakasalubong ko ang isa sa aking sensei habang papunta ako sa opis ng isa ko pang professor. una ko siyang nakita at napansin kong may kausap siya sa phone kaya naman naisip ko na magba-bow lang ako at ngingiti kapag nagkalapit na kami.

nang magkatapat na kami ay tamang-tamang natapos na rin ang kanyang phone call. kaya huminto at binati siya.

AKO:  先生、こんにちは。Hi, Sensei.
PROF: どうですか?Musta?
AKO: 元気です。Mabuti naman.
AKO: 先生、卒業する人のリストはまだ出てないですかね。Sensei, hindi pa lumalabas ang listahan ng gagraduate ano?
PROF: え、まだですか?でも、もうわかっていますから。Ah, hindi pa ba? Pero siyempre alam na namin.
AKO: (nangiti at nagtatanong ang mukha)
PROF: もちろん、OKですよ。Siyempre, ok ka na. (Ikaw pa?! Eh ang galing-galing mo! Ang sipag-sipag mo. Walang-wala sa iyo ang mga kaklase mo. Hindi ka dapat nag-aalala na.)

Yung last part ng conversation na naka-parenthesis ay hindi totoong nangyari. Hehehe. Feeling ko lang yan ang gusto niyang sabihin, o gusto kong marinig. Hahaha!!!

Por dat, mamartsa ako sa march 22. Iisipin ko na lang kung ano ang aking isusuot. =)

(nakahinga na ako ng malalim...)

(SALAMAT PO!)

4 Comments:

ann said...

Scholar ka dyan di ba? Eh di sigurado kang gagraduate. Syempre di ka mapupunta ryna kung basta-basta ka lang di ba? Congrats in advance.

Angela said...

Hehe syempre ang lupet nung naka-parenthesis. :D

Omedetou Gozaimasu! Babalik po ba kayo sa Peyups para magturo?

ria said...

mommy ann, salamat po. stressed lang ako nun kasi wala pang official list kaya di ko pa pwedeng ipangalandakan =)

gelay, lufet ba? hahaha. feelingera talaga ako :D gudlak sa takarazuka paper. =)

rHo said...

wow! congrats in advance te... mwuahugggz!

blogger templates | Make Money Online