Thursday, March 15, 2007

naramdaman ko ang unang lungkot kahapon sa aking pag-alis nang magpaalam ako sa aking part-time job. nagsimula akong magturo ng english sa isang language center (na isang oras ang layo sa bahay kapag naglakad) noong october. isang beses lang sa isang linggo, isa hanggang dalawang oras. hindi kalakihan ang bayad pero sapat na para makakain sa masasarap na lugar sa pinas paminsan-minsan. (inipon ko kasi ang natanggap ko simula noon at kasama siya sa budget ko habang wala pa akong trabaho sa pinas.)

kahit gaano pala kaigsi at kadalang mong gawin ang isang bagay, nagkakaroon ka pa rin ng attachment. at kapag mapuputol na yun, natural lang na malungkot.

nagkaroon tuloy ako ng enlightenment habang nasa bus na kung gugustuhin ko talaga, magkakaroon ako ng niche dito. masusuportahan ko ang sarili ko dito at makakatulong pa rin ako sa pamilya ko.

kaso hindi ko ginusto talaga. feeling ko lang talaga na ngayon habang nandito ako eh may natutulungan na ako, pero mas marami pa akong mako-contribute kapag nakabalik na ako.

1 Comment:

Linguist-in-Waiting said...

That is true. Departures are always sad. And due to the fact that I have experienced that many times, I seem to have numbed myself of it. Or so I think.

But the key is to look ahead and move forward. Never dwell in the past.

So be optimistic and be excited on what awaits you.

Kailan ba ang balik mo sa Manila?

blogger templates | Make Money Online