Thursday, April 26, 2007

Balik-tanaw sa isang buwang nagdaan

Isang buwan na rin akong tambay dito sa bahay. Lumalabas para magpa-aircon o kaya ay para gumimik. Mahirap pala itong may trabaho ka nga, pero hindi pa lang nagsisimula. Walang magawa kundi hintaying magpalit ang mga araw. Mabuti na rin siguro dahil may mga naiwang trabaho pa mula sa dating buhay.

Dating buhay... Ano ba pinagkaiba nito sa buhay ko sa kasalukuyan?

Dependent na naman ako. Sa halos 3 taon ko sa Japan, alaga ko sarili ko - pagkain, social activities, gawaing bahay. Ako lang, ako, ako. Ngayon, ilalagay ko ang nagamit na damit sa labahan, may mag-iisip kung anong iluluto mula almusal hanggang hapunan, may magtitimpla ng kape. Kung kelan ako naging 27, saka naman ako bumalik sa bahay ng parents ko.

May nag-aalaga na ulit sa akin. Oo, 27 na ako. Sa edad na ito, hindi na nakakagulat kung may inaalagaan na rin ako. Pero sa ngayon, ako ay isa pa ring alagain. Hindi ko na kailangang isipin kung may kakainin pa ba o anong kakainin. Hindi sa akin nakadepende kung paano pagkakasyahin ang budget. May mapapakiusapan akong magtimpla ng kape.

Nang nasa Japan ako, marami akong namimiss sa Pinas. At ngayong nasa Pinas naman ako, e may namimiss din ako siyempre sa Japan. "Sala sa init, sala sa lamig" ba ang tawag dito? Mahirap talagang makuntento sa buhay, unless magdecide ka na makuntento.

At ako ay desidido...

3 Comments:

Vince in Kyoto said...

Hmmmm... Ganyan ata talaga pag Pinoy.

Coming from someone who has been in and out of that situation, enjoy it when you can. Just don't get used to it.

Hihihi!

LABS!

manilenya said...

ako naman kung ano natutunan ko sa pinaggalingan ko sa awa ng Diyos nagamit ko naman... pinagluluto ko na mga tao dito, dati ako lagi pinaglulutuan e :)

ann said...

Naninibago ka lang sa nakasanayan mo ng ilang taon pero mas masarap pa rin talaga yung may nag-aasikaso.

blogger templates | Make Money Online