Thursday, April 05, 2007

hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa nasaksihan kong eksensa kanina sa isang grocery store. nasa cashier na kami at sa katabing counter ay may maingay na customer. wala naman kaming ginagawa kundi bantayan yung pagpunch ng mga binili namin kaya naman nakinig na rin kami sa tinatalak ng customer na iyon.

nagrereklamo ang customer dahil may sinabihan siyang bagger boy na magpapassist siya sa kanyang groceries. ang nangyari yata ay umalis ang bagger boy at nung makadaan ulit sa counter e saka siya inokra-okray nung lalake. bakit daw ganun ang ginawa ng bagger boy, hindi siya inassist. dapat daw inaassist ang customer. hindi ko naririnig yung sinasabi ng kawawang bagger boy, malamang nilalamon na ng pagkapahiya. naisip ko nung una, bakit naman hindi tinulungan nung bagger boy yung customer, lalo na kung humingi ito ng assistance?

tinanong na ng customer kung nasaan ang manager. panay ang banggit niya ng "ay hindi. hindi ganun yun." (nalaman ko na lang sa kapatid ko na sinasabi ng bagger boy na may policy sila na kung sino ang assigned dun sa counter siya ang bahala dun at nung time na yun ay hindi sya ang toka sa counter). nang dumating na ang manager, nagtatalak na naman ang customer. nawala ang amor ko dun sa customer (na feeling ko bading) dahil sinabi niya "hindi mo ba papagalitan ito (yung bagger boy) sa harap ko?" napa-pucha tuloy ako ng mahina. yung lang ba ang habol nung customer? dahil nakagawa na siya ng eksena dun, tatapusin lang niya iyon kapag napagalitan sa harap niya yung bagger, dahil kung hindi siya ang magiging kahiya-hiya. ang sinasabi ng manager ay parang pagsasabihan niya ang empleyado niya pero hindi sa harap ng maraming tao dahil nga napapahiya na ito.

hay! hindi talaga totoo na the customer is always right. may mga tao talagang abusado, spoiled, at mataas ang tingin sa sarili at nangmamata lang ng ibang tao!

6 Comments:

rHo said...

korek ka dyan!! marami talaga sa atin ang mga akala mo kung sinon, haaynaku!!

oo nga naman, tama si manager... hindi na kailangang pagalitan yung emplayo sa harap ng maraming tao!! haaay naku!!

ingatz ka lagi dyan te! have a blessed week po!

ann said...

Nasa pinas ka na pala, tagal din ako di naka bloghop, super busy talaga.

Kung tutuusin dapat nga ay nasa mga maliliit ang simpatya nila , ang baba lang kaya ng sweldo ng mga yon.May mga tao talaga na sobrang taas ang tingin sa sarili.

melai said...

sa pinas lang naman mayroong bagger boy e... pinapatamad ng sistemang yan ang tao, pwede namang ibang trabaho na lang ang ibigay sa taon yun diba?

dangkin said...

sa ginawa ng customer na yun, sya ang nagmukhang walang pinag-aralan.. walang ka-class-class...he.he.he. buti nga sa kanya!

ghee said...

hehe,eto ang switch ng mga updates mo ngayon Ria,tungkol sa pinas na,goodbye to cherry blossoms,spring,winter and so on and so forth.

merong kasing mga taong kulang sa pansin kaya gumagawa ng eksena at palagay ko,na i enjoy nila yun!

Vince in Kyoto said...

Uyyyy... May Pinky na sya... Wala bang pics dyan?

blogger templates | Make Money Online