Monday, April 16, 2007

Kumukutitap na Coastal Road

nabalitaan ko na mayroong World Light Expo mula sa kapwa skolar sa kyoto nang siya ay bumalik sa japan pagkatapos ng isang buwang bakasyon. sabi niya, mas maganda pa sa mga ilaw sa Kobe tuwing disyembre. siyempre dahil sa ganitong press release, kinailangan kong pumunta dito. at kahit may kalayuan ang coastal road sa caloocan (at dumaan pa ako sa makati bago pumunta dun), tinyaga pa rin namin, kahit pagod na from work, meeting, sayaw, at karaoke.

siguro dahil may ipon akong konti kaya naiisip ko na sulit naman ang binayad kong 200 pesos bilang entrance fee. may mini-concert, may laser light shows, at kung ano-ano pang display. dalawang beses may fireworks display. kung iisipin ang ginagastos ng organizers sa kuryente, space, employees, parang malulugi batay sa tao na kasabay namin. sabado na kasi iyon pero nakakapagpicture pa rin ako ng walang sagabal at singit.

sana madalas na may mga ganitong papasyalan ang pamilya. sana rin medyo kaya ng bulsa ni tatay. at kung may mga kamag-anak kayo, pwede niyong irekomenda ito. at bilang pang-enganyo, ito ang mga kuha ko sa tulong ni hobi-chan.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

8 Comments:

rHo said...

ang ganda naman dyan at gusto ko talagang pumunta kaya lang limited time lang sila db?! til when ba?! haaaay.. ang ganda-ganda pa naman! hehehe!

eden said...

this pictures were published at one of our filipino bloggers too....its nice to see it again for the second time :)

nice blog you got here!kind regards!

eden said...

hello ria,
i mean pictures from world expo too were published early this year.i forgot which one but all are nice and well done !


ingats!and btw feel free to link my site ,i'll link you bk later ok!

ghee said...

super ganda nga jan!at magastos nga sa kuryente,hehe..pero ang mura lang ng entrance,200 php lang?not bad ano?

sana,maabutan ko rin yan pag uwi ko sa pinas :)

lovely pics!!

melai said...

dahil sa nagtitipid ako di ako pupunta dyan lol!
uy kelan kayu kita ni mareng bridget?
gusto ko pag nagkita tayo kasama si tyo paeng :)

Vince in Kyoto said...

Wow! Bongga nga!

yung Italy lights parang sa Kobe ah! Hehehe

kirin post said...

ang ganda ng chinese dragon. bumubuga rin ba siya ng apoy? hehe.

ann said...

Ang ganda nga! Para ngang poster lang sa post card kung di mo alam na totoo pala.

blogger templates | Make Money Online