Sunday, April 01, 2007

sa bagal ng internet ko dito sa bahay, nakakatamad mag-internet. back to basic ako, pagchecheck lang ng internet. paminsan-minsan nakakapag-online sa YM pero para lamang malaman kung may nag-iwan sa akin ng offline message. may mga iniwan pa akong gawain mula sa japan at aligaga pa ako. kapag hindi naayos yung mga iyon ay hindi ko alam ang gagawin ko pagkatapos kong maiuntog ang ulo ko sa pader.

kalagitnaan na ng campaign period dito sa pinas. bukod pa sa ingay ng sasakyan sa kalsada, sa sigawan ng mga batang naglalaro, hindi rin nahihinto ang mga jingle ng kandidato. makikita mo rin ang mga mukha nilang nakapaskil sa mga poste at pader, at kahit sawang-sawa ka na, makikita mo pa rin sila sa TV.

mahigit isang buwan pa ang hihintayin bago mag-eleksyon. panibagong gulo na naman matapos ang eleksyon. nakasabay pa sa init ng panahon ang init ng pangangampanya. kahit siguro nakakatunaw ang init, matitiis ko. itong campaign period, di ko talaga ma-take!

2 Comments:

Linguist-in-Waiting said...

Oo nga, binabantayan ko nga ang weather report sa Manila. Grabe, 34 degrees! Naku po, matutunaw ako nito, sana naman pagsapit ng June, medyo bumaba na ng kaunti. Medyo nasanay na kasi sa kalamigan dito eh.

Lolo

ghee said...

Hi Ria!nasa Pinas ka na pala :)

siguro,maligaya ka araw araw :)
btw,blog anniv ko na,parang kelan lang :)

regards!!ingat na lang!

blogger templates | Make Money Online