Monday, May 28, 2007

Ang Kabataan at MacArthur

Isang balita na naman ang pumukaw sa aking pansin habang nagpapalipas ng oras sa harap ng computer. May mag-asawang nakatambay bandang Ermita, Manila at nagtetext daw si misis ng agawin ng dalawang kabataang lalaki ang kanyang cellphone. Hindi pa daw nakuntento dun ang dalawang kabataan lalaki at binastos pa daw ang babae. Sa presinto naman habang iniinterview ang mga biktima at suspek, kanya-kanyang bersyon ang maririnig. Hindi naman daw inagaw ang cellphone dahil may cellphone naman daw ang dalawang lalaki. At tungkol sa bastusang naganap, ang nasambit ng isang suspek ay pagandahan na lang daw ng girlfriend. Hindi daw nito tatangkaing hipuan ang misis dahil sa hitsura nito.

Narinig ko na lang nagkomento ang tatay ko: "Mga tarantado itong mga batang ito, ang yayabang pa!"

*************

Ang kabataan din ang pokus ng bagong libro ni Bob Ong. Mga kabataang napariwara ng landas. Hindi nakakatawa ang libro. Nakakapangilabot. Hindi exaggeration o approximation ang mga nilalarawan sa libro. Pawang katotohanan. Sigurado akong isang kakilala mo o kakilala ng kakilala ng kakilala mo ay dumadaan sa mga paghihirap sa buhay. Mga paghihirap na hihilingin mong hindi sana maranasan ng iyong pamilya.

************
Iniisip ko na utang ng lipunan sa isang bata na hubugin siya nito upang maging mamamayan na makakatulong sa lipunan at huhubog din sa susunod na henerasyon ng mga bata. Sa tinatakbo ng panahon natin ngayon, nagkukulang kaya ang lipunan ang sa pag-aaruga sa mga bata kaya may mga lumalaki na ang ugali ay katulad sa mga bata sa itaas? O ang mga batang ito mismo ang hindi nagpapahalaga sa aral na hinahatid ng lipunang nagpapalaki sa kanila? Kaninong kasalanan ito? Hindi maganda ang magturo at manisi. Hindi rin naman maganda ang magpasawalang-bahala at hayaan na lang ang ganitong sitwasyon. Mayroon kayang babalik na Mac Arthur na mag-aayos ng mga pangyayaring ito? Kailangan ba natin ng isang Mac Arthur para maging maayos ang mga bagay-bagay?

3 Comments:

karmi said...

nabasa ko nga po na fiction daw ang atake ni Bob Ong sa bago nyang libro.. un pala ang main topic ng libro.. sana mabasa ko na..

pede nating isisi sa lipunan kung bakit ganyan na lang ang kabataan ngayon.. pero para sa akin, sa tahanan nagsisimula ang lahat.. nasa paghuhubog pa rin ng mga magulang.. at nasa mismong tao na rin un.. dahil alam naman nya ang dapat at hindi dapat gawin...

Paeng said...

bakti nga ba MacArthur ang title ng libro? Sino ba ang nag "I shall return"?

Vince in Kyoto said...

Sa totoo lang, nakakatakot talaga. Everytime nagbabasa ako ng message boards ng Ragnarok (average 15-20 ata ang mga posters) manghihinayang ka sa mga pinagsasabi. I think nakwento ko na sayo noon ang mga nababasa ko noon doon.

Sa tingin ko, kung may taong mag-aanalisa ng mga message boards na tulad nito, pwedeng gawin thesis yun.

Haha!

blogger templates | Make Money Online