Tuesday, May 29, 2007

Blessing pala

Nitong nakaraang linggo ko pa na naramdaman na parang may iba dapat akong ginagawa. Naisip ko na magstay muna ako sa kasalukuyang sitwasyon ko ng isang taon. Bagamat hindi pa malinaw sa akin kung ano ang dapat kung gawin halos buo na sa loob ko na iwan muna ang binalikan kong buhay.

Nakakatawa lang na kung kelan malapit na akong magdecide, saka naman may mga balitang makakapagpabago ng mga plano. Hindi ko pa pwedeng ipagsigawan ang balita pero kung matutuloy ito, hindi na muna siguro matutuloy ang pag-eeksplor ko ng ibang gawain. Naiinis ako dahil hindi ko inaasahan ito. Dahil mapupurnada na naman ang mga planong wala pa namang katiyakan.

Tapos, ito, napagtanto ko na dapat magsaya ako. At dapat magawa ko ng maayos ito. Dapat hindi masayang sa akin. Kapag nagkatotoo kasi ang balita, isa itong biyaya.

6 Comments:

rems said...

wow, ano kayang biyaya yan, baka pedeng makihati hahahahha....i'm looking for a job or new career, lam mo ba?

yung sa shvoong, maski saan pede kang kumuha ng article, sa magazine, o di kaya ay news. kapag naka registered ka na, may mga categories kang pagpipilian, pwede ring books and websites.

di ba marunong kang mag translate ng languages, pwede ring translator ka, from english posts to japanese. buzz mo ko s ym kung may question ka, online ako though invisible.

dangkin said...

wow..sounds like a blessing nga!

congrats, ria! :)

ann said...

Mukhang magandang biyaya nga yan. Basta kung saan ka mapapabuti dun ka. Goodluck!

ria said...

hi mam rems! explore ko yan paunti-unti may raket pa kasi ako na labas sa internet e :)

dangkin, mommy ann, thanks ha. medyo hindi clear yung post ko pero kapag sureball na ishare ko din sa inyo :D

melai said...

basta tanggap lang ng tanggap.. sabi mo nga e biyaya yan :)

Vince in Kyoto said...

OIST! Congrats! Balitaan mo na lang kami kung ano yan kung ready ka nang i-bulgar.

blogger templates | Make Money Online