Tuesday, May 29, 2007

Miss Universe 2007

I almost forgot about the pageant. Inaabangan ko pa naman the past few days dahil sa ating kandidato. Pinaalala ko pa sa kapatid ko na manood siya sa office nila. Kaso, naalala ko lang na panoorin nang marinig ko sa radio na hindi nakapasok sa Top 15 si Ms. Philippines. Dali-dali kong binuksan ang tv at ang inabutan ko nang portion ay Swimsuit. Saan na naman pinulot ang atin gkandidato?! Ayun, nanalo naman ng Miss Photogenic. Simula nang maging internet voting ang basehan ng Miss Photogenic, aba'y palagi na lang yata tayong nanalo. Adik talaga mga pinoy sa internet.

**************

Nagulat ako nang sa Top 5 ay magtanong ang isang pamilyar na mukha. Si Masahashi Ando na sidekick ni Hiro Nakamura sa HEROES! Ewan ko ba pero naging fafa ang dating sa akin ni Ando. Kyut na sya sa show nila pero siyempre di ko sya masyadong napapansin kasi mas kyut si Hiro. Si Ms. Korea ang nakakuha ng pangalan niya at ang tanong ay.... oo tungkol sa superpower!

**************

Kailan ba naging regular sina Ms. Korea t Ms. Japan na nagiging Finalist? Nabrowse ko dati na isang sobrang seksing Ms. Japan suot ang very modern samurai outfit ang nagpakitang gilas sa Ms. Universe. At ngayon, siya lang naman ang tinanghal na Miss Universe 2007! Congratulations!!!! (yes, feeling connected ako!)

*************

Ang galing ng youtube talaga. Meron na agad nakapag-upload ng clip ng Ms. U. Eto ang Top 5 winners:
4th place: Miss USA
3rd place: Miss Korea
2nd place: Miss Venezuela
1st place: Miss Brazil
Miss U: Miss Japan

5 Comments:

dangkin said...

gusto ko rin si ms japan.. feeling ko very realistic ang sagot nya, hindi fabricated/memorized gaya ng mga ibang nananalo.. tsaka wala yatang 'tenk u doktor' na bahagi ng katawan nya.. he.he.he.

naawa ako sa ms usa...booo na nga ang response ng mga walang modong mehikano sa kanya, nasaktan pa ang pwet nya :(

ann said...

Internet voting pala ang ms photogenic, kala ko pa naman choice sya talaga ng mga judges.

ria said...

dangkin, nagbounce pa daw ang pwet. wawa naman. infairview, kyut pa naman sya. may pagkamulatto :)

mommy ann, after charlene nagstart yata ang internet voting. =)

Vince in Kyoto said...

Bakit suki ang Ms. Korea at Ms. Japan sa Ms. Universe ngayon? Sa tingin ko kasi nabuhay na naman ang interes ng West sa East (Korea, Japan, China). Dahil siguro sa impluwensya ng anime at Japanese at Korean dramas, kasama na ang ibang pang mga kadahilanan.

Sa Lost may Korean characters. Sa Heroes may Japanese characters.

May libro ako dito "Japanamerica: How Japanese Pop Culture has Invaded the US." Maraming sinasabi ang libro tungkol sa phenomenon na ito.

Di ako naniniwala na hindi retokada si Ms. Japan. Hihihi! :p

At si Ms. USA, di kaya ginaya lang nya and nangyari kay Miriam Quiambao (?) noon?

arvin said...

at si ms. phil ay ms. photogenic

haha :P nagulat din ako nung nakita ko sa ando sa panel ng judge. pano kaya pinili ang mga judge? haha

blogger templates | Make Money Online