Monday, June 25, 2007

Fete de la Musique

Finally was able to experience fete de la musique last saturday. Ang Fete ay isang event ng pagsasama-sama ng iba't-ibang musikero mula sa iba-ibang genre. Isang araw lang. Ang pinakamaganda sa lahat ay ito'y L-I-B-R-E!!! Yeeebah!

May apat na stage para sa iba-ibang genre ng musika. May stage para sa world music, sa hiphop, at sa rock. May isa pang main stage kung saan nandun ang mga sikat. At dahil sa hindi naman kalayuan ang bawat stage na nasa area lang ng malate, dinaanan namin lahat ito at nakinig ng sandali. Nakakatuwa dahil may sikat sa world music, may hiphoppers sa rock stage, may rocker sa hiphop stage at may hindi sikat sa main. Bakit nagkaganun? May respeto. Kanya-kanyang gawa ng musika. Iba-ibang klase. At respeto sa bawat isa.

Nagtagal kami sa world music stage. Sulit na sulit. Napakinggang namin ang Cosmic Love kung saan may isang miyembro na lasheng na yata dahil walang sinabi kundi "Pakers". Naka-off na yung mic dada pa rin ng dada.

Napanood din namin ang Wahijuara. Jazz naman ang trip nila. At grabe ang may hawak ng trumpet at alto sax, hindi nauubusan ng hangin. Pero, i kras myself wid d guitarist. HAHAHA!

At isa pang banda na nasaksihan namin ay ang Paramita. Asteeeg. Yan lang ang masasabi ko. Ang drummer nila ay bokalista din. At katukayo ko pa. Saan ka pa? Hehehe.

Kaya lang nung tumutugtog na ang Paramita, may umeksanang matatangkad na people na nasa harap namin. Kaya hirap kaming mapanood ang nasa stage. At isa pa, itong matatangkad na people na ito ay walang inatupag kungdi ang maglaplapan to d max. Nadistrak tuloy kami. Ako, personally nabastos. Alam na may pinapanood sa stage, eekstra pa! Ewan ko lang kung mapansin niyo sa video.

*****
3 sec lang tinatagal ng videos kapag iniembbed ko dito. punta lang kayo sa http://dyosa4ever.multiply.com/video at tingnan kung nakunan ko nga yung naglalapglapan! hahaha!

1 Comment:

badoodles said...

buti na lang sinabi mong libre. nababasa ko lang kasi sa dyaryo ang fete. wala naman akong balak manood dahil lagi akong nasa barat-mode. mapanood nga next year. pati na rin ung mga umeeksenang dila-dila scene sa harap [na curious eh]

blogger templates | Make Money Online