Tuesday, June 12, 2007

First Day High

Matagal ko ding namiss ang first day ng semester. Pagkadating ko sa skul kanina paakyat sa faculty room, nadaanan ko ang iba't-ibang mukha ng mga estudyante. Andyan ang mga marami nang ekspiryensya at ang iba ay mga virgin pa... sa buhay kolehiyo.

Estudyanteng iba-iba ang amoy: may mga amoy ng kulang pa sa units, amoy hindi tinanggap sa prerog, amoy nawawala, at mga amoy-araw dahil palipat-lipat sa iba't-ibang kolehiyo para mapunnan ang kanilang form 5.

At ako? Nahanapan ko ng rason ang hindi ko pagpasok sa aking mga klase: independence day; iwas sa prerog--mga estudyanteng nagmamakaawa na maenrol sa klase mo, wala pa ang mga freshie dahil may assembly. Ang totoo -- hindi ko pa naayos ang aking silabus, rekwayrment at mga babasahin.

Saya ng first day. Hehehe.

2 Comments:

Linguist-in-Waiting said...

Hahaha. Kung nakita mo lang ang hitsura ng Japanese class mo, noong nakaupo pa lahat ng nagsusumikap mag-prerog. Tapos noong nawala na sila lahat...

Laki ng difference...

rHo said...

gudlak sa buong sem!! tingin ko e naging busy ka na kaya til now e wala ka pang update!!! hehehe!!!

enjoy!!

blogger templates | Make Money Online