Monday, June 11, 2007

Tomorrow is I-Day

Kawirduhan ng mga taong namamahala na palitan ang araw ng pagdiriwang para sa kalayaan ng bansa. Bukas ang Araw ng Kalayaan. Pero kanina walang pasok, at bukas meron. Ipit ang lunes at para maenjoy ng buo ang holiday, nilipat ito sa lunes. Pero bukas may gagawin pa ring mga events para sa kalayaan. Pero kanina ang parada sa luneta dahil nga walang pasok. Kapag nagpatuloy ang ganitong gawain, parang wala nang saysay ang nakaraan. Para saan ba ang mga holiday, para mapahaba ang bakasyon o para maalala natin na may makabuluhang nangyaring nagshape ng ating kasalukuyan.

*****

At dahil walang pasok kanina, bukas umpisa na ng klase. waaaah! may mga bagong tao na tatawag na naman sa akin na mam. hehehehe. kung alam lang nila...

2 Comments:

rHo said...

mam... pasukan na!! nyahahaha... at nang-asar pa daw ako! hehehe! gudlak sa klase mo te! God bless you always..

Linguist-in-Waiting said...

Oo nga. Nakakainis rin na palitan ang petsa. Ok lang yung long weekend, pero Independence Day? May mga okasyon na mas mahalaga pa rin ang petsa at hindi ang weekend. Kung ganito lang ay dapat pag-dikit-dikitin na nila lahat ng holiday para may isang buwan tayong walang pasok!

blogger templates | Make Money Online