Thursday, August 02, 2007

Spoiled ang mga Pinoy?

After almost a month of being absent from the blogging world. ako ay pansamantalang bumabalik.

Napansin ko sa araw-araw kong pagbabyahe na may tendency ang mga pinoy na maghintay na pagsilbihan sila.

Nasabi ko ito dahil sa araw-araw kong nakikita ang mga tao na sasakay sa jeep na kailangang hihintuan sila sa tapat nila mismo. Bibihira ang mga taong naglalakad para sumakay sa tamang sakayan. Hindi rin sila nagkukumpol-kumpol sa isang lugar para naman hindi na pahinto-hinto ang mga jeep. Para hindi rin nakakaabala sa iba.

But no, kailangan hihinto talaga sa harap ng mga sasakay. At ilang hakbang lang ay kailangang hintuan uli ang iba pang pasahero. Dahil kaya mainit at konting lakad lakad lang tagaktak na ang pawis?

Paano naman kapag bababa ng sasakyan? Kailangang bumaba din sa pinakamalapit na patutunguhan. Kapag sa taxi ka nakasakay, walang problema. Pero ang jeep dapat hindi ginagawang taxi. May magpapara na pasahero, baba. Pagkausad ng jeep, may bababa ulit na kung tutuusin ay pwede namang makisabay sa unang bumaba.

Sanay kaya ang pinoy na pagsilbihan? O uhaw sa pagsisilbi kaya sa bawat pagkakataon na maaaring pagsilbihan ang isang tao ay sinasagad niya ito?

4 Comments:

Vince in Kyoto said...

Sa tingin ko hindi naman spoiled ang Pinoy. Hindi lang siguro marunong umintindi sa konsepto ng "Tamang Babaan/Sakayan."

Uhaw sa magandang sebisyo siguro, oo.

Kung hindi ako nagkakamali, kinukumpara mo ang sitwasyon dyan sa sitwasyon na nakasanayan mo sa Japan. Sa pagkakaalam ko, ganito rin ang Japan noon, nung usong-uso pa ang mga jinrikisha. Nung nagsimula nang magkaroon ng trams, saka sila nasanay sa mga babaan at sakayan. At nadala na ito ngayon sa lahat ng klase ng pampublikong transporstasyon, maliban sa taxi.

Hindi siguro ganito ang pagsakay sa Pilipinas kung unang naging government-controlled ang public transportation.

Paeng said...

sa tingin ko, kunukumpara ito ni Ria sa sitwasyon sa UP.

kung sa UP kayang sumakay at bumaba sa tamang sakayan ng mga tao, bakit sa ibang lugar hindi?

at may mga pasaway talaga. kakapara lang, mausog lang nang isang metro may papara na naman.

febeth said...

OO nga ,Yung sister ko nga ayaw maglakad .When she was in Singapore, she complained that we were walking so much. Most of the streets kasi are one way so you really have to walk.

Sa pinas, isang kanto lang sasakay pa sa jeep o tricycle.

dodong flores said...

Ito pa. Ang pasahero, kapag gustong bumaba, gusto nila papara kaagad ang driver. Eh ang driver naman doon talaga titigil sa unloading area. Ayon, nagagalit na ang pasahero kasi pinapalakad daw siya ng malayo. Minumura pa yung driver. Marami akong na-witness na ganitong senaryo :(

Tama yata si vince in kyoto. Kung naging government-controlled ang public transportation just like Australia, hindi ganito ang problema natin...

Malungkot din akong iisipin na marami din mga pasaherong pasaway. Hindi lang mga driver...

blogger templates | Make Money Online