Monday, October 01, 2007

Nagbabalik...

Welkam sa October!!! Yehey! At dahil dyan, I'm here. I'm back. Hope I can stay...
Binago ko na rin ang aking template. Nasawa na ako. Saka ko na aayusin ng maayos talaga ang aking bahay...

Matagal akong nawala. Di ko rin knows ang mga chismis sa buhay niyo. Magbalitaan muna tayo. Ano na bang nangyayari sa akin?

  • isang linggo na lang ang klase sa skul. dalawang exams ang kailangang gawin. walong term papers ang kailangang basahin. at hanggang tatlong kilong quizzes, assignments, seatworks ang kailangang bigyan ng grade.
  • sa departamento namin, ako lang ang junior faculty na naiwan. dalawa ang may training sa labas ng pinas, yung isa ay nagsusulat dito ng thesis. sa akin naiwan ang trabaho ng paggawa ng skedyul, pag-aadvice sa lahat ng students namin, etc.
  • centennial celebration ng UP buong taon ng 2008. excited na nga ako eh. may mga plano ding gimik ang departamento namin. at hulaan niyo kung sino ang kasama sa dirty work ng drafting, consultations, etc? ako! ako! ako! palagi na lang ako! hehehe.
  • nagstart din ako ng training sa pagtuturo sa isang foundation. ngarag. habang may klase pa sa skul, isang araw isang linggo lang ako napunta. madadagdagan pa iyon.
  • kailangan ko nang magreview sa same exam na binagsak ko last year. ayokong bumagsak ulit.
  • bumisita ang aking housemate sa japan noong august. at umuwi na ng pinas ang pusa ko sa japan. namiss ko sila. namiss ko ang pamilya ko sa japan. may mga babalik na dito. at hopefully magkita-kita kami.
  • sa october, 8 years na kami.
Dami ko gawa no? Hopefully, magawa ko lahat at magawa ng maayos. Maraming nakasalalay eh. Kayo naman, anong chika sa inyo?

2 Comments:

Tohru Lorenzo said...

kung estudyante mo ako, magbibigay ka ba ng A sa aking?

maraming ginagawa mo kaya... mas magalin ito kaysa sa nothing-to-do, though... according to "the Times", may bore-out syndrome sa UK. yung symptom ay opposite to burn-out.

umuuwi ang mga kaibigan ko one by one. it sucks.

Good luck with your exam! ingat palagi!

ria said...

masipag ka naman e. siguradong uno ka. pareho yan sa A na grade. punta ka dito ng april. kahit may pasok ka dyan :)

blogger templates | Make Money Online