Thursday, September 13, 2007

nagulat ako nang mabalitaan ko kaninang umaga na nagbitiw na sa pwesto ang prime minister ng Japan. maraming iskandalo ang kinasangkutan ng miyembro ng kanyang gabinete. at dahil siya ang pinakamataas na pinuno ng bansa, diretso sa kanya ang puna at pintas. at alam niya iyon, kaya naman siguro pagbibitiw ang kanyang naging aksyon...

dito, ayun. maraming appointed officials ang kakabit ng mga anomalya. daming tsismis. pero makapal pa rin ang apog ng isang babae na hindi man lang umabot sa five feet. andun pa rin siya sa kanyang palasyo. wawa naman si juan.

ang dating presidente ng masa, convicted sa plunder. ang mga kinasuhang kasangkot, hindi daw guilty. ang anak at abogado, walang sala? hindi na ito nakakainis. natatawa na lang ako dahil sa mga pangyayari. at mas lumakas ang tawa ko nang marinig ko na naman sa balita na may bagong spokesperson si erap. hulaan niyo lang... si attorney! bwahahaha!

parang isang telenobela na ayaw mo na sanang panoorin dahil lokohan na lang ang nangyayari. pero pinapanood mo pa rin dahil umaasa ka na baka... baka sakali lang naman na magbago pa ang plot.

2 Comments:

melai said...

ang sagot ko na lang sa huli mong sinabi:
"ilang daang taon na...
ang nakalilipas...
ilang pangulo na.....
ang nagdaan......
wala pa ring asenso si Juan....
lugmok pa rin sa kahirapan!


ibig sabihin nyan....ASA KA PA ba na magbabago ang plot? lol!!

ann said...

Malay mo may pag-asa pa pala.....

Umalis at bumalik ka sa pinas ano naman ang nakita mong pagbabago?

blogger templates | Make Money Online