Wednesday, October 31, 2007

Buhay nga naman...

Nakakatawa ang ilang balita kagabi. Katatapos lang ng barangay election. At tapos na rin ang bilangan. Naproklama na rin ang mga panalo. Siyempre may mga aberya din. May ilang lugar na nagka-failure of election. May tensyon din sa mga kumandidato. Pero sa kabuuan ay maayos at successful naman ang naganap na eleksyon.

May mga lugar kung saan wala pang nadedeklarang panalo. Kasi pantay ang mga nakuhang boto ng kumandidato. Sa SK, (nakalimutan ko lang ang lugar), pareho ang boto ng dalawang kandidato. Meron ding kagawad at meron ding nagtie na barangay captain. Paano kaya ang solusyon dun?

Nakalagay pala sa batas na kapag may nangyaring ganyan ay kapalaran na magdidesisyon. Paano? Puwedeng drawlots o kaya toss coin. Hehehe. Ang saya!

Monday, October 29, 2007

Pardon-ness

Nabanggit ko na ang aking saloobin tungkol sa topic na ito. Gusto niyo pang makabasa ng pananaw mula sa ibang bloggers? Basahin niyo si Paeng at si Keboy. Ilan sa mga kasama ko noong January 2001. Punong-puno ng pag-asa. Ngayon ay punong-puno ng sama ng loob. Sino ba naman kasi ang matutuwa ha?

Kahit nga si Donya Mary na mahal na ina ni Erap ay galit.

"dahil wala na naman raw siyang natapos...
di tapos ng college, di natapos ang presidential term,
tapos ngayon, di na naman natapos ang jail term niya."

Wala akong sembreak?

Bad trip! Buti pa ang gradeschoolers may nalalaman na ring sembreak! Wala ngang pasok ngayon pero sumakit pa rin ang mata mo dahil sa lesson plan ko para sa Miyerkules. Kaya nga hindi ako nag-education dahil ayaw kong masyadong teknikal. Pero eto ako ngayon, katatapos lang gumawa ng 6 pages na lesson plan, in Japanese pa! Saan ka pa? Pakisampal nga ako!

Friday, October 26, 2007

Executive Clemency

Pwe!!!!
Basura!

Tuesday, October 23, 2007

The geek in me

"I wish I were an anaphor
so I could be bound in your domain."

Haaaay... Such a sweet linguistic quote.
From Facebook :)

Monday, October 22, 2007

Manalangin at Gumawa

Isang makabuluhang sermon na naman ang narinig ko noong Linggo. Tuwing magsisimba ako sa UP at si Fr. JBoy ang inabutan naming pari, i always have this urge na i-share sa lahat ng nakakasalamuha ko ang narinig ko at natutunan ko sa kanya.

Kahapon ay tungkol sa pagdadasal at paggawa ng tao. Related sa 'Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.' Hindi sapat na magdasal lamang. Hindi tayo dapat kampante na porke naidulog na natin sa Kanya ang ating mga hinaing sa buhay ay magkakaroon na agad ito ng kasagutan. Kailangang gawin natin ang parte natin.

Parang itong nangyayari sa ating bayan. Alam kong maaaring nawawalan ng pag-asa na magbago ang buhay natin. May naririnig din ako sa mga kakilala na ipinagdadasal na lang nila ang magiging kinabukasan natin. Kalahating tama lang ito.

Marami sa atin na hindi na alam kung ano pa ang dapat gawin para mapabuti ang kalagayan natin. Isa na ako dun. Sa ngayon ay hindi ko pa alam ang magiging aksyon ko. Hindi ko pa alam kung ano pa ang dapat gawin. Kung ano pa ang kaya kong gawin.

Kaya naman ipinagdadasal ko na mahanapan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ngayon. Hindi lang ng aking mga mahal sa buhay, kundi ng mas nakararami. At kapag nasagot na ang dasal kong ito, ihahanda ko na ang sarili ko para sa gawa.

Crunch Time

Grades na lang. Yes! Grades para sa limang subject na tinuro ko ngayong semestre. Konti na lang at magkakaroon ako ng sandaling panahon para magpahinga...

Saturday, October 20, 2007

Nakakapagtaka. Nakakatakot. Bakit may mga taong nakakapag-isip at nakakagawa ng mga bagay na makakasakit sa mga inosenteng tao?

http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view_article.php?article_id=95571

Wednesday, October 17, 2007

First Day

Natapos din ang unang araw ng turo ko sa foundation, kung saan ako nagtatrabaho once a week. At ang masasabi ko lang *wheeeew*.

Grabeng kaba ang naramdaman ko simula nung Lunes. Idagdag pa dyan ang mga napanaginipan ko. Tapos nagkaaberya pa 20mins bago ako magturo! Wala sa memory stick ko yung isang file na ididiscuss ko. Tawag agad ako sa bahay. Buti na lang nandun ang aming bunso. Lucky pa rin.

Sobrang gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ng klase. Habang nagkaklase, nakijoin din ang senior at junior language adviser. Si Junior adviser ang nagtrain sa amin. Marami akong natututunan sa kanya at ako'y natutuwa. Sobrang napressure lang talaga ko. Hello?! Sino ba ang hindi mapipressure kung nag-oobserve ang mga language experts. Tao lang naman ako...

Hindi ko pa alam talaga kung anong naging performance ko kanina. Humihingi ako ng komento from my observers. Pero they congratulated me na after the class. Sabi ni senior adviser, successful. I am a natural daw pagdating sa teaching. At yung character kong iyan daw ay hindi nakukuha sa experience. Natural lang daw talaga. So I guess, ok na yun no? Mas marami akong matututunan sa kanilang komento. Kaya yun lang hinihintay ko.

Ngayong gabi, gusto ko lang matulog ng mahimbing. At managinip ng walang kinalaman sa trabaho.

Monday, October 15, 2007

Stress hanggang sa panaginip

Dalawang sunod na gabi na akong nanaginip ng tungkol sa hindi ko pagiging handa. Nakakainis. Nakakstress lalo!!!

Iisa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit hanggang panaginip ay nadadala ko ang aking worries. Magsisimula akong magturo ng isang klase sa isang foundation. Ang klase ay para sa mga teachers ng japanese language na hindi pa masyadong mataas ang proficiency. Grabe ang preparations namin. Never pa naman akong nagtraining for teaching talaga. Lalo na ng training para sa Japanese. Nangangamote tuloy ako sa paggawa ng lesson plan. Never kong ginawa pa yan sa klase ko sa unibersidad. Meron lang akong syllabus at outline, pero hindi detalyadong lesson plan na pati ang na-imagine na behavior ng student at kung gaano katagal ang activity sa klase ay nakaplano na.

At ayan. Ang first class ko ay sa Miyerkules. Ang course ay nagsimula na kanina. Sana naman di na ako managinip ng hindi ako handa sa mga bagay-bagay. Natapos ko na naman ang dapat kong gawin para ngayong araw. Nakakapayat ba ang stress?

Thursday, October 11, 2007

Pacquiao the Environmentalist

Kongrats muna sa ating pambansang kamao, Manny Pacquiao (kelan kaya tayo magkakaroon ng pambansang paa? hita? mata? <- siguro mga mata ni anghelita<--yak korni!).

Mula Unang Hirit, laman na sa Manny. Hanggang mamaya siguro sa Saksi. Yes, we are celebrating. A hero's welcome. Magandang promotion din para sa pelikula ni Manny.

Welcome party kaninang umaga, welcome party kaninang tanghali, concert party kaninang hapon. Ang sarap naman ng buhay.

Ang di ko lang matanggap ay ang pagkakaroon ng conference sa DENR. Nung narinig ko kanina, ang tanong ko ay BHAKHET?! Nawala sa isip ko na si Atienza pala ang sekretari ng departamentong iyan. Ang tatay-tatayan ni Manny.

Anong koneksyon ng boksing? May mga sinusuportahan ba si Manny na proyekto sa DENR? May mga suhestyon ba siya para mapaayos ang kapaligiran natin? (May article tungkol sa Phil. Eagle bilang sunod niyang pagkakaabalahan. Tapos?!)

Dumaan ako kaninang umaga, bandang alas nuwebe, sa Visayas Avenue, kung saan nandun ang DENR. Mabagal na ang daloy ng sasakyan. Ang daming tao na nasa labas ng opisinang departamento. Bukod sa mga reporters, naghihintay din ang mga empleyado. Flex time kaya silang lahat?!

Ang conference area, pwedeng magkasya ang 300-400 na tao daw. Siyempre, special catering pa yan. Bigatin talaga si Atienza. Sinagot kaya niya ang gastos dyan gamit ang personal na resources? Hindi naman siguro gagalawin ni Secretary ang budget ng departamento para sa ganyang bagay na wala namang kinalaman sa environment at natural resources...

Uy, huwag ka namang mag-isip ng masama...

Bakit hindi Philippine Sports Commission ang nag-aasikaso sa mga atletang nagbibigay karangalan sa bansa? Okay lang na may motorcade. Maraming party. May concert. Pero saan kukunin ang gagastusin? Sino ang gagastos? Ikaw ba? Ayoko yatang gastusan iyan...

Sunday, October 07, 2007

Done with classes

Finally! Natapos din ang aking unang semestre. Technically, klase pa lang ang natapos. Simula next week ay estudyante naman ang magkukumahog mag-aral para makapasa sa mga killer exams ng kanilang ginigiliw na mga propesor. Tapos mga titser naman ulit ang magpupuyat para sa pagkompyut ng mga grado. Tapos mamomroblema pa sa mga pasaway na estudyante. Bawian lang talaga ang buhay.

***********
Oktoberfest. Virgin pa ako sa ganyan. Pagkapasa ko ng grades, magpapakalasheng talaga ako. Pero sa bahay lang siguro. Para aalagaan pa rin ako ni ina. Hehehe.

***********
May sasabihin nga pala ako sa inyong sikreto. Kontakin niyo na lang ako pag gusto niyong magdonate. =)

Thursday, October 04, 2007

Last day tomorrow at ibang pang random na mga bagay

Ako na lang yata ang may klase pa sa department namin. Kawawa naman ako. Pero isang araw na lang at bakasyon na sa peyups. Wiiiihiiiii!!!

************
Ang panget na sa may Philcoa. Yung iniikutan ng jeep na lalabas ng UP. Pinutol ang mga puno at hinukay ang lupa. Para daw lumuwag ang trapik banda dun. Wala namang trapik doon. Hindi naman siguro kalabisan ang maghintay nang konti ang mga motorista dahil sa mga nagbaba at nagsasakay ng pasahero. Bukod pa dun, baby pink at baby blue na ang kulay ng overpass. Sunod sa fashion ni Bayani. At hindi pa nakuntento, naglagay din ng kulay pink na pole (na hindi pala alam kung saan gagamitin) malapit sa bato kung saan nakalagay ang pangalan ng UP. Panira!

************
Yung isa sa hot topic sa pulitika ngayon ay ang broadband deal. As of writing, cancelled na ito. Resign na rin si Abalos ng COMELEC na siyang dawit dito. Komento ni Cong. Datumanong, maganda daw ang ginawa ni Abalos na pagreresign. Dahil daw dito ay pinapakita ang pagiging tapat sa serbisyo ni Abalos. Ibilang daw si Abalos sa mga maprinsipyong pulitiko. Haaay. May mga taong hindi ko mawari kung paano mag-isip...

************
May isang kaklase ang aking kapatid na may kanser. Humingi ng tulong sa Malakanyang. Nagbigay ng tseke ang Malakanyang worth 400K para sa therapy. Mabuti di ba? Hindi dun natatapos ang kwento. May isang tao daw dun sa Malakanyang na nagsabing siya na lang daw ang magpapalit ng tseke saka idideposito sa banko nung may kanser. Dumating ang pera 4K na lang. Grabe no? Wala nang pinipili ang mga manloloko. Kakarmahin din kayong lahat!

Tuesday, October 02, 2007

Windang

waaaah!!!! malapit nang matapos ang klase. so near, yet so far. after ng klase, may mga kailangan pang basahin na term papers at iba pang projects. bakit ganito???

ano ang kailangan kong gawin para makatapos ng mga gawain? marami pang naghihintay na dapat simulan. bukod pa dyan, kailangan ko ring pumayat! (huwaaaat?! saan nanggaling ito?!!!)

focus. focus. FOCUS!!! bakit napakahirap gawin? ano ba ang dapat kung unahin? alam ko pala. kailangan ko na lang ng aksyon. aksyon. AKSYON! ngayon na!

Monday, October 01, 2007

Nagbabalik...

Welkam sa October!!! Yehey! At dahil dyan, I'm here. I'm back. Hope I can stay...
Binago ko na rin ang aking template. Nasawa na ako. Saka ko na aayusin ng maayos talaga ang aking bahay...

Matagal akong nawala. Di ko rin knows ang mga chismis sa buhay niyo. Magbalitaan muna tayo. Ano na bang nangyayari sa akin?

  • isang linggo na lang ang klase sa skul. dalawang exams ang kailangang gawin. walong term papers ang kailangang basahin. at hanggang tatlong kilong quizzes, assignments, seatworks ang kailangang bigyan ng grade.
  • sa departamento namin, ako lang ang junior faculty na naiwan. dalawa ang may training sa labas ng pinas, yung isa ay nagsusulat dito ng thesis. sa akin naiwan ang trabaho ng paggawa ng skedyul, pag-aadvice sa lahat ng students namin, etc.
  • centennial celebration ng UP buong taon ng 2008. excited na nga ako eh. may mga plano ding gimik ang departamento namin. at hulaan niyo kung sino ang kasama sa dirty work ng drafting, consultations, etc? ako! ako! ako! palagi na lang ako! hehehe.
  • nagstart din ako ng training sa pagtuturo sa isang foundation. ngarag. habang may klase pa sa skul, isang araw isang linggo lang ako napunta. madadagdagan pa iyon.
  • kailangan ko nang magreview sa same exam na binagsak ko last year. ayokong bumagsak ulit.
  • bumisita ang aking housemate sa japan noong august. at umuwi na ng pinas ang pusa ko sa japan. namiss ko sila. namiss ko ang pamilya ko sa japan. may mga babalik na dito. at hopefully magkita-kita kami.
  • sa october, 8 years na kami.
Dami ko gawa no? Hopefully, magawa ko lahat at magawa ng maayos. Maraming nakasalalay eh. Kayo naman, anong chika sa inyo?

blogger templates | Make Money Online