Wednesday, October 31, 2007

Buhay nga naman...

Nakakatawa ang ilang balita kagabi. Katatapos lang ng barangay election. At tapos na rin ang bilangan. Naproklama na rin ang mga panalo. Siyempre may mga aberya din. May ilang lugar na nagka-failure of election. May tensyon din sa mga kumandidato. Pero sa kabuuan ay maayos at successful naman ang naganap na eleksyon.

May mga lugar kung saan wala pang nadedeklarang panalo. Kasi pantay ang mga nakuhang boto ng kumandidato. Sa SK, (nakalimutan ko lang ang lugar), pareho ang boto ng dalawang kandidato. Meron ding kagawad at meron ding nagtie na barangay captain. Paano kaya ang solusyon dun?

Nakalagay pala sa batas na kapag may nangyaring ganyan ay kapalaran na magdidesisyon. Paano? Puwedeng drawlots o kaya toss coin. Hehehe. Ang saya!

2 Comments:

Paeng said...

sana nagtoss coin na nung umpisa pa lang. hahaha

melai said...

sabi nga ng kapatid ko ang saya saya daw ng barangay election sa amin ..daig pa daw ang fiesta :)

blogger templates | Make Money Online