Wednesday, October 17, 2007

First Day

Natapos din ang unang araw ng turo ko sa foundation, kung saan ako nagtatrabaho once a week. At ang masasabi ko lang *wheeeew*.

Grabeng kaba ang naramdaman ko simula nung Lunes. Idagdag pa dyan ang mga napanaginipan ko. Tapos nagkaaberya pa 20mins bago ako magturo! Wala sa memory stick ko yung isang file na ididiscuss ko. Tawag agad ako sa bahay. Buti na lang nandun ang aming bunso. Lucky pa rin.

Sobrang gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ng klase. Habang nagkaklase, nakijoin din ang senior at junior language adviser. Si Junior adviser ang nagtrain sa amin. Marami akong natututunan sa kanya at ako'y natutuwa. Sobrang napressure lang talaga ko. Hello?! Sino ba ang hindi mapipressure kung nag-oobserve ang mga language experts. Tao lang naman ako...

Hindi ko pa alam talaga kung anong naging performance ko kanina. Humihingi ako ng komento from my observers. Pero they congratulated me na after the class. Sabi ni senior adviser, successful. I am a natural daw pagdating sa teaching. At yung character kong iyan daw ay hindi nakukuha sa experience. Natural lang daw talaga. So I guess, ok na yun no? Mas marami akong matututunan sa kanilang komento. Kaya yun lang hinihintay ko.

Ngayong gabi, gusto ko lang matulog ng mahimbing. At managinip ng walang kinalaman sa trabaho.

2 Comments:

karmi said...

naging ok naman pala ung presentation mo ate.. ^_^ congrats!!! at least sa susunod eh di ka na masyadong kakabahan..

pwede ka nang matulog ng mahimbing ate.. :)

ghee said...

wow!congrats na rin Ma`am :)
hataw ka pala pagdating sa teaching!ipagpatuloy mo!!

buti naman at nag aupdate ka oa rin Ria,at least sa blog man lang,nakakabalita ako sa yo :)

blogger templates | Make Money Online