Thursday, October 04, 2007

Last day tomorrow at ibang pang random na mga bagay

Ako na lang yata ang may klase pa sa department namin. Kawawa naman ako. Pero isang araw na lang at bakasyon na sa peyups. Wiiiihiiiii!!!

************
Ang panget na sa may Philcoa. Yung iniikutan ng jeep na lalabas ng UP. Pinutol ang mga puno at hinukay ang lupa. Para daw lumuwag ang trapik banda dun. Wala namang trapik doon. Hindi naman siguro kalabisan ang maghintay nang konti ang mga motorista dahil sa mga nagbaba at nagsasakay ng pasahero. Bukod pa dun, baby pink at baby blue na ang kulay ng overpass. Sunod sa fashion ni Bayani. At hindi pa nakuntento, naglagay din ng kulay pink na pole (na hindi pala alam kung saan gagamitin) malapit sa bato kung saan nakalagay ang pangalan ng UP. Panira!

************
Yung isa sa hot topic sa pulitika ngayon ay ang broadband deal. As of writing, cancelled na ito. Resign na rin si Abalos ng COMELEC na siyang dawit dito. Komento ni Cong. Datumanong, maganda daw ang ginawa ni Abalos na pagreresign. Dahil daw dito ay pinapakita ang pagiging tapat sa serbisyo ni Abalos. Ibilang daw si Abalos sa mga maprinsipyong pulitiko. Haaay. May mga taong hindi ko mawari kung paano mag-isip...

************
May isang kaklase ang aking kapatid na may kanser. Humingi ng tulong sa Malakanyang. Nagbigay ng tseke ang Malakanyang worth 400K para sa therapy. Mabuti di ba? Hindi dun natatapos ang kwento. May isang tao daw dun sa Malakanyang na nagsabing siya na lang daw ang magpapalit ng tseke saka idideposito sa banko nung may kanser. Dumating ang pera 4K na lang. Grabe no? Wala nang pinipili ang mga manloloko. Kakarmahin din kayong lahat!

2 Comments:

karmi said...

what the! 4K na lang ate? kamusta naman un?

Vince in Kyoto said...

Hey hey! Matagal-tagal din akong di napapadpad sa blog mo. New look. Ilavhet!!!

Item 1: Sembreak na ba?

Item 2: Naghasik na naman ng lagim si Bayani? I really do not agree when he cuts trees like that. Ayoko rin na ginagamit ang trapik bilang dahilan para magputol ng puno. Kumusta yung mga acacia sa likod ng UP? Dapat bantayan ang mmga yun parati.

Item 3: Ano naman ang inaasahan natin kay Tonggressman Datumanong? Parati naman tagilid ang lohika ng mamang yan. At anong ginagawa ng COMELEC chief sa isang kontrata tungkol sa broadband internet? Obvious naman ata kung ano...

Item 4: Nabasa ko sa Inquirer ang tungkol dito. Kaklase pala ng kapatid mo yun? Ano updates on the case? May imbestigasyon DAW na gagawin.

blogger templates | Make Money Online