Monday, October 22, 2007

Manalangin at Gumawa

Isang makabuluhang sermon na naman ang narinig ko noong Linggo. Tuwing magsisimba ako sa UP at si Fr. JBoy ang inabutan naming pari, i always have this urge na i-share sa lahat ng nakakasalamuha ko ang narinig ko at natutunan ko sa kanya.

Kahapon ay tungkol sa pagdadasal at paggawa ng tao. Related sa 'Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.' Hindi sapat na magdasal lamang. Hindi tayo dapat kampante na porke naidulog na natin sa Kanya ang ating mga hinaing sa buhay ay magkakaroon na agad ito ng kasagutan. Kailangang gawin natin ang parte natin.

Parang itong nangyayari sa ating bayan. Alam kong maaaring nawawalan ng pag-asa na magbago ang buhay natin. May naririnig din ako sa mga kakilala na ipinagdadasal na lang nila ang magiging kinabukasan natin. Kalahating tama lang ito.

Marami sa atin na hindi na alam kung ano pa ang dapat gawin para mapabuti ang kalagayan natin. Isa na ako dun. Sa ngayon ay hindi ko pa alam ang magiging aksyon ko. Hindi ko pa alam kung ano pa ang dapat gawin. Kung ano pa ang kaya kong gawin.

Kaya naman ipinagdadasal ko na mahanapan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ngayon. Hindi lang ng aking mga mahal sa buhay, kundi ng mas nakararami. At kapag nasagot na ang dasal kong ito, ihahanda ko na ang sarili ko para sa gawa.

1 Comment:

ann said...

Alam mo may friend kami rito hindi sya masyadong active sa mga prayer meeting pero daig pa nya ang pastor sa pagkilos. Tumutulong sya sa mga ofw na mababa lang ang mga sahod, bumili sya ng mga gamit pangkabuhayan at pinapagamit ng libre sa mga ito sa mismong bahay nya at the same time libre sa pagkain ang mga nagtatrabaho.

blogger templates | Make Money Online