Thursday, October 11, 2007

Pacquiao the Environmentalist

Kongrats muna sa ating pambansang kamao, Manny Pacquiao (kelan kaya tayo magkakaroon ng pambansang paa? hita? mata? <- siguro mga mata ni anghelita<--yak korni!).

Mula Unang Hirit, laman na sa Manny. Hanggang mamaya siguro sa Saksi. Yes, we are celebrating. A hero's welcome. Magandang promotion din para sa pelikula ni Manny.

Welcome party kaninang umaga, welcome party kaninang tanghali, concert party kaninang hapon. Ang sarap naman ng buhay.

Ang di ko lang matanggap ay ang pagkakaroon ng conference sa DENR. Nung narinig ko kanina, ang tanong ko ay BHAKHET?! Nawala sa isip ko na si Atienza pala ang sekretari ng departamentong iyan. Ang tatay-tatayan ni Manny.

Anong koneksyon ng boksing? May mga sinusuportahan ba si Manny na proyekto sa DENR? May mga suhestyon ba siya para mapaayos ang kapaligiran natin? (May article tungkol sa Phil. Eagle bilang sunod niyang pagkakaabalahan. Tapos?!)

Dumaan ako kaninang umaga, bandang alas nuwebe, sa Visayas Avenue, kung saan nandun ang DENR. Mabagal na ang daloy ng sasakyan. Ang daming tao na nasa labas ng opisinang departamento. Bukod sa mga reporters, naghihintay din ang mga empleyado. Flex time kaya silang lahat?!

Ang conference area, pwedeng magkasya ang 300-400 na tao daw. Siyempre, special catering pa yan. Bigatin talaga si Atienza. Sinagot kaya niya ang gastos dyan gamit ang personal na resources? Hindi naman siguro gagalawin ni Secretary ang budget ng departamento para sa ganyang bagay na wala namang kinalaman sa environment at natural resources...

Uy, huwag ka namang mag-isip ng masama...

Bakit hindi Philippine Sports Commission ang nag-aasikaso sa mga atletang nagbibigay karangalan sa bansa? Okay lang na may motorcade. Maraming party. May concert. Pero saan kukunin ang gagastusin? Sino ang gagastos? Ikaw ba? Ayoko yatang gastusan iyan...

3 Comments:

rHo said...

kaya pala hindi nag-motorcade si Manny sa maynila... kasi si Lim na ang andon! hehehe...

ann said...

Exclusive na pala si Manny sa GMA no? Kaya pala lagi syang laman ng pinoy tv.

jaime said...

Siyempre hot potato si manny the boxer at the lower house!!!

blogger templates | Make Money Online