Monday, October 15, 2007

Stress hanggang sa panaginip

Dalawang sunod na gabi na akong nanaginip ng tungkol sa hindi ko pagiging handa. Nakakainis. Nakakstress lalo!!!

Iisa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit hanggang panaginip ay nadadala ko ang aking worries. Magsisimula akong magturo ng isang klase sa isang foundation. Ang klase ay para sa mga teachers ng japanese language na hindi pa masyadong mataas ang proficiency. Grabe ang preparations namin. Never pa naman akong nagtraining for teaching talaga. Lalo na ng training para sa Japanese. Nangangamote tuloy ako sa paggawa ng lesson plan. Never kong ginawa pa yan sa klase ko sa unibersidad. Meron lang akong syllabus at outline, pero hindi detalyadong lesson plan na pati ang na-imagine na behavior ng student at kung gaano katagal ang activity sa klase ay nakaplano na.

At ayan. Ang first class ko ay sa Miyerkules. Ang course ay nagsimula na kanina. Sana naman di na ako managinip ng hindi ako handa sa mga bagay-bagay. Natapos ko na naman ang dapat kong gawin para ngayong araw. Nakakapayat ba ang stress?

1 Comment:

rHo said...

kayang-kaya mo yan te! wag ka na masyadong mag-isip, tingnan mo... hanggang panaginip tuloy e dala mo! hehehe!

ingatz ka lagi and God bless po!

blogger templates | Make Money Online