Tuesday, November 27, 2007

Hilo, lindol, windang

Lumindol kanina! At naramdaman ko... Huli akong nakaramdam ng lindol nung 2004, sa Japan. Biglaan yun, mabilis, isang sundot lang. Yung lindol kanina, nakakahilo. Akala ko, nahihilo lang ako dahil sa pusit flakes na kinain ko. But no, naramdaman din ng mga katabi ko. Malakas pala sa norte. Sana ok lang ang mga kababayan natin doon...

Bakit kung kelan talaga malapit na ang pasko, madaming di magandang nangyayari. Ayan nga, lindol. Tapos nagsasayawan pa sina Mina at Lando. At sisingit naman si Nonoy. Ano ba naman yan. Sino ba naman ang hindi mawiwindang?

Eniweys, hindi masyadong malakas ang ulan dito sa caloocan. Malamig. Masarap lang uminom ng barako at magrelax. Hihihi.

1 Comment:

rHo said...

oo nga daw... lumindol! sana naman e okay ang mga kababayan natin na nasa ibang part kung saan may malakas na lindol!

God bless!

blogger templates | Make Money Online