Sunday, November 04, 2007

KTD 2008

Isa at kalahating buwan na rin ang nakalipas ng (sa wakas ay) magpropose na rin ang aking long time boyfriend. yes! we are finally doing it. at para patunayan na wala na itong urungan at talagang mangyayari na next year, nagpareserve na kami ng date sa Church of Holy Sacrifice sa may UP. Unang perang lumabas para sa event next year na aking tatawaging Kasalan ng Tambay at Dyosa 2008 o KTD 2008.

Paminsan-minsan mag-uupdate din ako. Para maishare ko, makachismis kayo, o kung kakailanganin kong magrelease. Hehehe. Sa ngayon, bisita ang malaking nagbibigay sa akin ng sakit ng ulo. Kapag may budget na hindi naman malaki, hindi pwedeng imbitahan ang buong angkan, buong barangay. Ilang beses na rin akong nairita kapag ito ang pinag-uusapan namin.

Basta ok na ang church. Matagal na rin naming napag-usapan na sa Holy Sacrifice talaga kami magwalk down the aisle. A month and a half after the proposal, we have made progress! More stories next time.

7 Comments:

Paeng said...

naku, tiyak ako na itong post mo na ito ang madaming magiging comment. hahaha

Linguist-in-Waiting said...

Wow. Sa UFO church pa talaga. Nakikita ang pagmamahal sa UP. Naks... :-)

ghee said...

yehey!finally,magpapa"sakal" na rin kayo?haha!congrats Ria!!at syempre kelangan i update mo rito chaka pics para feeling namin,imbitado kami :)

Omedetou,Ria Chan!!

joy said...

Kakailanganin mo ng malaking pasensiya while preparing for the wedding. Are you getting a wedding coordinator?

joy
The Goddess In You

ria said...

paeng, tama ka nga!

lolo, hindi naman sa pagmamahal. talagang feel ko dun. kaso maigsi lang yung lalakaran hanggang altar.

mami ghee, i will have an update every now and then. hehehe.

hi joy! natetest na nga ang pasensya ko e kakasimula pa lang ng planning. no budget for a wedding coordinator e. libre naman ang talent fee ng friends e :) thanks for commenting!

ann said...

Congrats! Lalagay ka na rin pala sa magulong buhay...hehehe. Update mo kami rito lagi ha?

manilenya said...

hehehe ito pala sagot lol!

blogger templates | Make Money Online