Thursday, November 01, 2007

Telenovela

Ako ay hooked sa isang telenovela ng GMA, ang Hwang Jini. Katatapos ko lang manood kanina at nakakaiyak ang episode. Matagal-tagal na rin akong hindi naiiyak sa mga palabas sa tv.

Base sa aking internet research, totoong tao pala si Hwang Jini. Isang kisaeng, na sa aking intindi ay maihahalintulad sa isang geisha ng Japan. Mga babaeng nagpapakabihasa sa iba't-ibang klase ng arte na hindi maaaring magmahal. Chorva no?

Tragic ang episode kanina. Namatay ang first love ni Jini. Parang pinipiga ang puso ko sa mga linya nila. Dahil sa pagkamatay ng first love ni Jini ay nagdesisyon ito na kakayanin na nitong maging isang kisaeng, nagpapamalas ng kanyang kaalaman sa arte, maaaring maangkin ng kahit sino sa tamang halaga, pero hindi na papayagan pang ma-involve muli ang kanyang puso. Perfect ingredients para sa isang palabas na aking susubaybayan.

5 Comments:

melai said...

mas maganda siguro yan kapag korean ang salita tapos basa ka na lang subtitle lol!, siguro kapag may CC na ko bili ako nyan online kasi naman ilan na kayong nagsabing maganda yan e :)

Lisa Ito said...

napanood ko din ang episode na ito kagabi, heheh.

ghee said...

haha,nasa pinas ka na nga,Ria,hooked ka na rin sa telenobela,maganda ba?

BTW,pls read my update HERE if you find time.
Happy weekend,
ghee

ann said...

Hindi pala lahat ng palabas sa GMA napapanood namin dito, wala kasi yang sinasabi mo na telenovela.

ria said...

ate melai, ok naman ang dubbing nila. so kahit hindi in korean talaga. mas nahihipo ang puso ko :)

lisa, hooked ka rin?! :)

mami ghee, went to your blog na... at oo, buhay na buhay ang telenovela sa buhay ng mga pinoy. hehehe

mommy ann, madami sa youtube!!! hehehe.

blogger templates | Make Money Online