Thursday, November 22, 2007

Tuwing umuulan...

...na hindi ka kapiling. Charing. Hindi ito isang senti post dahil umuulan. Isa itong post para makapagpost lang. Haha. Panget.

Nakakalungkot naman ang ibang kababayan natin na nasa bicol at visayan region. Nakatikim na naman mula kay inang kalikasan. Palagi na lang sila. Samantalang ang iba, nag-iisip kung may pasok bukas (kasama na ako).

Tumutulo dito sa bahay namin. Kainis. Nakailang ayos na ito. Sayang ang ginagastos. Parang itong koneksyon namin sa internet. Palpak ang serbisyo. Bakit ba yung perang pinagtatrabahuhan mo na ginagastos sa mga bagay-bagay minsan hindi mo nakukuha ang tamang serbisyo. Nakakairita yung feeling na naka-isa sila sa iyo.

Kakainom ko lang ng kapeng barako. Kaya kahit maaga akong gumising kanina at buong araw nagtrabaho, nandito pa rin gising sa harap ng kompyuter. Dapat siguro, tiyagain ko nang basahin yung mga sinulat ng estudyante ko. Makapal-kapal na rin yun.

Kapag umuulan talaga, bumabaha ang ideas. May naisip na akong regalo para sa friends. Gimik para sa KTD 2008. Aktibidades para sa klase. Sana lang hindi ko makalimutan.

Ano naman ang drama niyo kapag umuulan?

2 Comments:

rem said...

syempre work pa rin :) kahit hinihila ako ng kama ko at sinasabing wag pumasok hahahahah

dangkin said...

kung umuulan dyan, dito nag snow kanina... at sana hanggang bukas para masarap matulog! :-)

blogger templates | Make Money Online