Sunday, December 30, 2007

Looking Forward to 2008

Masasabi kong isa ako sa siyam sa bawat sampung Pilipino na haharapin ang 2008 na may pag-asa. Bukod sa pag-asa, may kasama pa itong ngiti at excitement. Ito ang ilan sa magdudulot sa akin/aking pamilya ng saya at pag-asa at excitement para sa darating na taon.

Enero: Pagcelebrate ng 2008 kasama ang aking mga mahal sa buhay. Noong nakaraang tatlong taon kasi sa iba ang drama ko. It's so nice to be back talaga.

Enero ulit: Excited na ako sa bagong Koreanovela ng GMA-7, ang Coffee Prince. Kinikilig ako everytime napapanood ko ang teaser.

Pebrero: 28 na ako sa 2008. Magcelebrate ng Valentine's with fafa. Hehehe. Magastos na naman.

Marso: Magtatapos na rin si bunso! Last year, itong sumunod sa akin na nagtapos ng Interior Design (kung meron kayong ipapadesign, bahay o furniture, comment lang. hehehe). Sa awa ni Lord, nakahanap agad ng trabaho. Nakadalawa na nga siya e....

Abril: Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Yukutoy!!!

First four months pa lang yan ng taon. Malalaking events. Sigurado akong, marami pang mangyayari sa mga susunod na araw. Dalawang araw na lang 2008 na! Waaaah!!!!

4 Comments:

ghee said...

oo nga,naalala ko ang NY namin last year sa Pinas,super saya talaga at ang daming handa with lechon pa!dito...waaahhh...soba at ozouni :D

uy,sa april na pala ang kasal?sayang,di ako makaka attend :)

goodluck talaga this year 2008,Ria!hope you all the happiness and luck!!

ghee

Liza said...

Ako rin inaabangan ko rin yang coffee prince hehe. Uy isasakal este (joke lang yun huh) ikakasal ka na pala, Congratulations.

Wishing you joy, good health and countless blessings. Happy New Year Ria!

Jennie said...

Happy New Year!!! http://www.marriageandbeyond.com/2007/12/31/195/

manilenya said...

ang swerte naman ng kapatid mo :)

blogger templates | Make Money Online