Wednesday, December 26, 2007

Maligaya ba ang Pasko niyo?

Kung inilaan niyo ito sa inyong pamilya, o kaibigan, o mahal sa buhay tiyak na maging masaya kayo ngayong Pasko.

Kami naman ay umuwi sa probinsya para makasama ang aming mga kamag-anak. Bukod sa mini-get together ng pamilya, nakalanghap din ako ng malinis na hangin. Hindi ingay at busina ng sasakyan ang naririnig kundi mga tawanan namin at ng mga kapitbahay.

Sa mas tahimik na lugar, maririnig mo ang sarili mo mag-isip at magmuni-muni at maging malinaw ang ilang mga bagay.

Sana naging makahulugan din ang Pasko sa inyong mga bahay at inyong mga puso.

3 Comments:

manilenya said...

walang buhay ang pasko ko :( magdamag lagn ako naka online kagabi nag aantay na may mag online na kapatid pero wala :(

maligayang pasko sayo sis!

dangkin said...

masaya ang pasko ko kahit di ko nakausap ang nanay ko at naubos ang calling card ko sa kada-dial lang... buti nalang at may ym, nakausap ko kapatid at mga pinsan ko.. feeling ko nandun na rin ako kasi kita ko bawat galaw nila, bawat halakhak, nakikihalakhak na rin ako, pati ingay ng kubyertos dinig ko.. lahat ng subo nila, nakita ko! tama ba naman yun???

at ngayon, inaabangan ko ulit ang bagong taon...

maligayang bagong taon syo at sa buong family! :)

A Simple Life said...

Hi Ria! Hindi ko pa naranasang magpasko sa probinsya kahit na may mga kamag-anak kami duon. Kadalasan sila ang nagpupunta dito. Ok naman ang pasko ko kahit na di ko nakita ang ilang kamag-anak kasama ko naman ang pamilya ko.

Napadaan lang mula sa blog ni Ann. Take care.

blogger templates | Make Money Online