Sunday, December 23, 2007

Wedding Preps

Walang update!!! So para saan ang post na ito? Magrirelease ba ako ng stress, init ng ulo, inis o lahat ito?

Hindi pa rin final ang guest list namin. Marami kasing kamag-anak e. Kailangan lang namin talagang i-limit dahil maliit lang ang budget namin. Kami lang naman kasi ang gagastos at hindi naman 6 digits ang numero sa payslip namin. Bibigyan na lang siguro namin ng CDs (yung pirated copy ng kasal, hahaha!) yung hindi makakapunta o masasama.

Sasamantalahin lang namin itong bakasyon para ayusin ang mga legal papers para sa kasal. Si Paeng na ang bahala doon. Ang malaking responsibilidad ko lang sa ngayon ay magpa-kumpil. Hindi pa kasi ako nakumpilan. At bishop lang yata ang pwedeng magkumpil. Sa Binondo Church kami nakakita ng regular na skedyul ng confirmation. Kailangan ko na lang ng ninong o ninang.

Pinaparenovate pala namin ang aming church. Chenes lang. Nirerenovate siya ngayon. Pinipinturahan ng puti ang bubong. Ang swerte namin, bagong renovate next year. Sana pala matapos before April.

Yan muna. Meron akong mga reklamo pero hindi ko na lang ilalagay dito. Hahaha. Good night all!

2 Comments:

karmi said...

busing-busy pala sa wedding preparations ate ha.. dont worry, magiging maayos ang lahat.. ^_^

Merry Christmas po sa iyo and sa family mo.. :)

gift ko po sa inyo..

http://i31.photobucket.com/albums/c368/carmefrancia/krismasblog.jpg

tc!

dangkin said...

dami kong na-miss dito! magpapasakal...este...magpapakasal na pala kayo??? wag mag-aalala, dahil if it's really meant to be, everything will be alright 'ika nga :-)

CONGRATULATIONS!

blogger templates | Make Money Online