Tuesday, January 22, 2008

No Rice Diet

Isang araw, nananahimik lang akong nagsusurf sa internet. Nakatalikod ako sa isang professor na nagfo-photocopy. Bigla niya akong tinawag.

Prof: Ria...
Ako: Yes, sir?
Prof: Uy ang diet. Mag-exercise ka na rin. Tandaan ang gown...
Ako: (Tameme)

Dahil sa sandaling pakikipag-usap na iyon, napagtuunan ko ang aking tiyan. Parang tiyan ng mga uncle kong manginginom. At napagtanto ko na panahon na nga para magdiet. Kung hindi ngayon, kelan pa? Alangan namang sa Mayo pa di ba?

Napagdesisyunan kong huwag munang kumain ng kanin. Simula dapat kahapon. Umaga pa lang kahapon, binalita ko sa aking mga katrabaho na kailangan ko ng kanilang suporta sa aking bagong adhikain - No Rice Diet. Ang nahita ko sa kanila? Wala. Wala. Wala. Dahil hindi daw effective. Kailangan daw ng carbo at mas maganda na kung sa kanin yun manggagaling.

Ayun. Pag-uwi ko, dalawang cups ng rice at ulam na kalabasa at sitaw... Sarap! (Nasa huli ang pagsisisi, alam ko yan!)

1 Comment:

Linguist-in-Waiting said...

Sino ang nagsabi sa iyo niyan, si Doc Mac? Ano ka ba, hindi ka naman "ganun" kalaki. Tama lang. Kayang itago iyan sa gown... :-)

blogger templates | Make Money Online