Sunday, February 17, 2008

Isang pagbati

sa isang tambay na tatanda na naman ng isang taon...

sana ay magawa ang mga gusto mong gawin. maging instrumento ka ng pagbabago sa lipunan at inspirasyon ng mga taong nakapaligid sa iyo.


nagmamahal,
dyosa

Saturday, February 16, 2008

Sabado! Saturday! Saberdei!

For the longest time, stressed ang aking Sabado. Simula October last year hanggang last Saturday ay mayroon akong course na inenrolan sa may Makati. Mula 9:30 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali. Siguro tatatlong beses lang yung dumating ako sa oras, meron akong dalawang absent, at yung natirang meetings panay late ako. For 15 weeks yata, namiss ko na tumambay dito sa bahay ng Sabado, magising ng tanghali at manood ng tv.

Last meeting ng klase namin last week. Salamat na lang at nakapagpasa ako ng requirements kaya may certificate ako. Hindi nakakahiya sa nagbayad ng kalahati ng fees ko. I delivered pa rin. Hahaha.

Nandito ako ngayon sa bahay. Nag-iisa. Nanonood ng Eat Bulaga. Ineenjoy ang Sabado. Dapat talaga hindi nagtratrabaho buong linggo. Para makapagpahinga. Para mabalikan kung ano yung nagawa nang nagdaang linggo. Para mapaghandaan ang susunod na linggo.

Ang simple-simple lang talaga ng buhay...

Tuesday, February 12, 2008

Nagbirthday na ako!

Lumipas ang Feb. 8, 9, 10, at 11 nang hindi man lang ako nagpaparamdam dito. Birthday ko pa naman nung Feb. 8, at tumanda na naman ako ng isang taon. 28 na ako.

Mas excited pa sa akin si paeng bago ako magbirthday eh. Nauna pa siyang magbirthday leave. Sarili niyang idea yun at hindi ko siya pinilit o inawitan o ano pa man. Marami kasing nag-iisip na under daw siya sa akin. Hindi po iyan totoo. Kahit makarating pa tayo sa Senado, pasisinungalingan ko iyan.

Dahil nagmaganda na sa paglileave, nagdesisyon na rin ako na umabsent nung Friday. Hindi kami nagcelebrate buong araw. Inasikaso namin ang mga legal docu para sa kasal. Nag-apply kami ng lisensya tapos nagseminar tapos habang tinatayp ko ito naaalala ko na naman yung video na pinanood namin. Tungkol lang naman sa panganganak at abortion. Haaaay.

Tapos pumunta kami sa Gazebo Royale sa may Visayas Avenue. Venue siya para sa kasal. May tinugtugan kaming batchmate ng isang friend. Inisip ko dati na mag-inquire diyan sa Gazebo para sa reception venue. Maganda kasi ang pictures sa website. Tapos may nakapagsabi sa akin ng presyo at kinalimutan ko na siya. At nung pumunta nga kami, parang hindi naman ganun kaespesyal (hindi ako bitter!). Chenes lang... May ilaw-ilaw lang ang mga puno.

Valentine's Day na in two days. Wala akong gimik. Hindi ko rin iniisip. Masyadong maraming gawain na kailangan ding pag-isipan. Babalitaan ko na lang kayo.

Wednesday, February 06, 2008

Adik talaga!

Matagal ko nang naikwento sa inyo ang pagkahumaling ko sa Coffee Prince. Natapos ko na ang series na ito ng maraming beses at gusto ko pa rin siyang panoorin ng panoorin. Haaay. Adik talaga! Tapos dagdag pa dyan, si aggie ay adik din sa Coffee Prince! Nagbasa muna ako at nagbasa at sumunod sa mga links hanggang sa makalimutan ko na may mas importante pa dapat akong ginagawa sa harap ng computer! Buti na lang naalala ko...

Matutulog na muna ako at sana mapanaginipan ko na pinagtitimpla ako ng kape ng taong ito:

__________
*ang pix ay nakita ko sa dramabeans.com

Sunday, February 03, 2008

Pebrero na!

Grabe na ang bilis ng oras! Ilang entries ago lang, nagbabatian tayo ng Happy New Year! Ngayon Happy Valentine's Day na! Well, malapit na, pati ang Chinese New Year. Napakadaming nangyayari sa paligid-ligid ng bahay kubo namin.

*****
Pumunta kami kahapon sa baby shower para sa aming friend dun sa may paseo center. Nagkukuwari pa kaming away sumali sa mga games pero in the spirit of fun, go kami. Nasalihan namin ni Paeng ang paggawa ng diaper gamit ang tissue paper. Siyempre siya ang lalagyan ng diaper. E mali ang idea ko. Bahag ang nagawa ko! So para naman mas lalong naging katawa-tawa, nilagyan ko siya ng tissue-sash! Por dat, nanalo kami! Hahaha!

*****
Pagkatapos namin sa baby shower, pumunta namin kami sa jupiter street para maki-celebrate ng birthday. Binigyan namin ng surprise party ang aming Japanese friend. Magkasama na kami nung umaga at ang akala niya ay sa lunes na ulit kami magkikita. Sobrang surprised siya! May balloons pa kami, party hats, torotot, etc. Kasama namin ang mga younger teachers kaya naman napaka-energetic ng lahat. Natapos kami ng alas-onse na yata.

*****
Bago ang lahat ng mga party na yan, tumanggap muna ako ng sakramento ng kumpil. Yes, as of writing, confirmed na po ako! Nagkaraoon ng isang seminar na higit isang oras tapos yung ceremony na. Sa Binondo ako nagpakumpil. Nahirapan pa akong maghanap ng ninong at ninang! Buti na lang maraming kapitbahay.
Nakakatuwa yung nagseminar sa amin. Halos lahat pala ng kasama ko na magkukumpil ay couples na. Iisa ang bata at siya ang OP. Hahaha. At dahil tapos na yan, pwede na rin akong tumanggap ng sakramento ng matrimonya. Waaaaah!!!!

blogger templates | Make Money Online