Saturday, February 16, 2008

Sabado! Saturday! Saberdei!

For the longest time, stressed ang aking Sabado. Simula October last year hanggang last Saturday ay mayroon akong course na inenrolan sa may Makati. Mula 9:30 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali. Siguro tatatlong beses lang yung dumating ako sa oras, meron akong dalawang absent, at yung natirang meetings panay late ako. For 15 weeks yata, namiss ko na tumambay dito sa bahay ng Sabado, magising ng tanghali at manood ng tv.

Last meeting ng klase namin last week. Salamat na lang at nakapagpasa ako ng requirements kaya may certificate ako. Hindi nakakahiya sa nagbayad ng kalahati ng fees ko. I delivered pa rin. Hahaha.

Nandito ako ngayon sa bahay. Nag-iisa. Nanonood ng Eat Bulaga. Ineenjoy ang Sabado. Dapat talaga hindi nagtratrabaho buong linggo. Para makapagpahinga. Para mabalikan kung ano yung nagawa nang nagdaang linggo. Para mapaghandaan ang susunod na linggo.

Ang simple-simple lang talaga ng buhay...

0 Comments:

blogger templates | Make Money Online