Monday, March 31, 2008

Pagtatapos 2008

Nagmartsa na ang aming bunso kanina sa PICC. Graduate ng Nursing. At isang magandang sorpresa ang pagtawag ng pangalan niya para umakyat sa stage at tumanggap ng medalya. Sorpresa sa lahat ng tinawag dahil kanina lang nila nalaman na sila ay magtatapos with distinction. Cool nga e. Talagang palakpakan at hiwayan ang kanya-kanyang grupo kapag may natatawag sa kanilang grupo. Malaking sorpresa at kasiyahan din para sa mga magulang ng mga batang ito. Hay naku. Ang nanay ko na lang grabe ang tuwa. Akala niya di na siya aakyat sa stage e. Kaya pala gusto niyang bumili ng bagong damit. Hahaha!

Lahat kami tapos na ng kolehiyo. Winner ito. Natupad na naman daw ang isa sa mga pangarap ni mama. Yung susunod daw ay bahay para sa aming lahat. Kelan naman kaya iyon matutupad?

Sunday, March 30, 2008

Torture

este threading pala dapat ang title. ang mga bagay na kayang mong gawin para sa pagpapaganda. grabe ang sakit. torture nga ang feeling. tapos isa pa akong mabuhok na tao.

at para may sense itong post ko, hinanap ko kung anong makikita tungkol sa threading. aba! may entry sa wiki.

Threading is an ancient method of hair removal which originated in parts of India, the Middle and Far East...
It is also popular in Persian culture, and is called Bande Abru ("Abru" means eyebrow, and "Band" is the thread). Threading the entire face is widely spread amongst Iranians, but it was originally practiced when a woman was getting married or during special occasions.
In ancient Persia, threading was an indicator of a girl turning to adulthood, becoming a woman.

Iniisip ko ngayon kung magpapathread ba ako ng aking bigote... Sulit kaya ang sakit para sa araw ng KTD?

Thursday, March 27, 2008

MAY MANALO KAYA NG JACKPOT PRICE SA LOTTO MAMAYA??????

Tuesday, March 25, 2008

207,000,000

Yan ang tumataginting na jackpot para sa lotto sa Huwebes. Hindi ko maimagine kung gaano kadami ang perang yan. Kapag sampu ang nanalo meron silang 20,700,000. Tama ba? Hehehe... Hindi ko pa rin maimagine kung ilang bag ang mapupuno niyan at kung gaano kalaki yung bag na iyon.

At dahil sa laki ng premyo, eto kami ngayon, mga abang guro, nagcontribute ng pera para makataya ng 30 na combinations. Hati-hati siyempre.

May nananalo kaya diyan?

Monday, March 24, 2008

May Bago

Pakitingnan sa gilid...

May twitter kuno...

Easter Post

Hello all! Im back from wherever! Muling nabubuhay at nakikisabay sa Easter (na kahapon pa; so what kung late?)

Grabe. Ngayon lang ako nakakahinga ng medyo matiwasay. Nahaggard ako to the max dahil sa dami ng trabaho. Tanggap kasi ng tanggap... Pero, ok na yun. May natatapos naman ako... Tulad na lang ng klase dito sa skul. Tapos na. Gumagawa na lang ako ng exam para bukas sa tatlong klase ko. Maghihintay na lang ako ng term papers ng students ko bago ko sila mabigyan ng grade. Mag-eedit ng isang raket. At marami pang iba...

Gusto ko lang sanang i-share sa inyo ang homily ni Fr. Jboy para kahapon. Dahil nga kahapon ay simula ng panibagong buhay. Simula ng simula. Kung pagod na kayo kakasimula, basahin niyo pa rin para makakuha kayo ng bagong lakas.

Maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa lahat!

Sunday, March 09, 2008

isang linggo na naman ang natapos at isang linggo na naman ang magsisimula. balik sa mga trabaho. walang katapusang trabaho...

Wednesday, March 05, 2008

Cheese turon

Malutong.
Mainit-init.
Pagkagat, matamis.
Isa pang kagat,
Tamis na may halong alat.

Sunday, March 02, 2008

Looooong Update

School stuff, raket, translation, at kasal. Yan ang dahilan kung bakit matagal akong hindi nakakapagsulat dito. Pero ito balik update dahil sobrang dami kong ginagawa at kailangan ko ng break.

Kahapon, simula ng March buong araw kaming nasa labas ng bahay. Una, pumunta kami sa simbahan para sa canonical interview. Yehey! Naka-skedyul na rin ang tatlo pang seminars na kailangang puntahan. 7 weeks na lang pero ngayon pa lang kami maraming naa-accomplish.

Dahil maagang natapos ang interview, pumunta kami sa Teacher's Village para mapuntahan yung videographer/photographer na withing our budget. Natuwa naman kami kaya meron nang magkocover ng kasal. Yehey(2x)! Siguro yung gagastusin namin para sa coverage ay 10% lang ng total cost ng mga nakita naming videographers sa bridal fair! Grabe dun. Album, video, ek-ek ay apat hanggang limang buwang sweldo ko! Over di ba? Hindi reasonable. Kahit siguro hindi kami mahigpit sa budget eh hindi pa rin namin iko-consider yun.

Naglunch kami sa Morayta na dahil may klase si Paeng. Sit-in ako sa klase niya. At nakatapos ako ng 3 set ng exam na natsekan. Yehey (3x)! Pagkatapos ng klase, dumaan muna kami sa Intramuros para kunin ang dvd (orig po!) na gagamitin ko sa klase.

Bago umuwi ay pinuntahan namin ang isang caterer na nakilala namin sa bridal fair. Bagong catering service pa lang sila. Nagsimula sila sa pagluto ng palabok na umabot ng 35 years! Tapos nagtatry sila ngayon sa mga mas malalaki pang functions. Panay ang tawag ni Ms. Amie kay Paeng, na medyo nakukulitan na. Pinag-usapan namin ang pros and cons kung iko-consider namin sila. Pero ang naging deciding factor namin ay wala nang iba kundi ang budget. Hehehe. Mapapakain namin ng 6 na ulam ang bisita namin na pasok sa budget. Yehey (4x)! At may cake na rin kami. Jonis! Yehey (5x)! At nagsuggest pa si ms. amie ng mga kakilala niya sa may divi para sa damit. Yun naman ang aayusin namin ngayon.

Yan lang muna. Sa susunod ulit.

blogger templates | Make Money Online