Monday, March 31, 2008

Pagtatapos 2008

Nagmartsa na ang aming bunso kanina sa PICC. Graduate ng Nursing. At isang magandang sorpresa ang pagtawag ng pangalan niya para umakyat sa stage at tumanggap ng medalya. Sorpresa sa lahat ng tinawag dahil kanina lang nila nalaman na sila ay magtatapos with distinction. Cool nga e. Talagang palakpakan at hiwayan ang kanya-kanyang grupo kapag may natatawag sa kanilang grupo. Malaking sorpresa at kasiyahan din para sa mga magulang ng mga batang ito. Hay naku. Ang nanay ko na lang grabe ang tuwa. Akala niya di na siya aakyat sa stage e. Kaya pala gusto niyang bumili ng bagong damit. Hahaha!

Lahat kami tapos na ng kolehiyo. Winner ito. Natupad na naman daw ang isa sa mga pangarap ni mama. Yung susunod daw ay bahay para sa aming lahat. Kelan naman kaya iyon matutupad?

4 Comments:

marikenya said...

congrats sa kapatid mo sis! ang galing! sana matupad agad ang bahay hihihi... masaya un!

manilenya said...

yung medal parang mas madali kesa doon sa bahay lol! congrats sa utol mo :)

Vince in Kyoto said...

Naks! Natapos na yung pinapa-aral mo. Congrats!

ria said...

mhel! hi! sinabi mo!

ate melai, hello! sinabi mo (rin!)

vince, sa wakas!!! pwede na akong mag-asawa. hehehe.

blogger templates | Make Money Online