Monday, April 14, 2008

Halo-halong emosyon

Prends, this friday will be our day. Aaminin ko na medyo stressed na ako dahil napapansin na ni paeng na lumalabas ang pagkamataray ko to the highest level.

Halos tapos na rin ang lahat, maliban sa souvenir na babalutin mamayang gabi. Siyempre, hindi pa tapos ang mga bayaran. Hinahanapan pa na namin ng pera. At yung pabitbit pa sa mga principal sponsors. May ganun pala. Kelan lang namin nalaman.

Wala akong maisulat na matino. Gusto ko lang ng bagong entry dito sa blog.

Monday, April 07, 2008

Pictures!

Para naman magkaroon ng kulay ang blog ko, ayan magpopost na ako ng ilang pictures.

Una, ang aming pinaghirapang invitation. Kwento muna. Pinilit ko talaga na i-DIY namin. Ibig sabihin, design ng kapatid ko at ako ang tagabili ng materials. Sa papel pa lang nahirapan na kaming maghanap. Walang burgundy na papel sa national. Merong red violet, wood rose. Ni maroon (pareho lang daw ito ng burgundy) na special paper wala! Meron kaming nakitang maroon na felt paper, kumusta naman di ba? Fortunately, nadaan kami sa Wrap it Up sa SM at nakita namin na may gift wrapper sila na maroon. Yun na ang binili namin tapos matigas na papel na lang. Madali lang hanapin ang silver na glossy na multipurpose board. Ang naging problema naman namin dito ay sa printing. Hirap palang kumapit sa glossy na papel ang ink kapag laser printer ang ginamit. Buti na lang nagawan ng paraan. Ang silver ribbon ay sa Divi at ang sticker paper ay sa pambansang bukstor ng pinas. Mega cut and paste kami ng ilang gabi din para dito.


Eto naman ang souvenir namin. Napag-usapan namin ni paeng na kailangang functional ang aming souvenir. Kaya ayan, feeling ko dahil sa pareho kaming teacher ay pen holder ang binagsakan nito. Muntik na kaming magpagawa sa Papemelroti, kaso 70 pesos yata yung isa. Dahil nagtatrabaho dati si sister ko sa construction (hehehe) akala namin pwedeng makatipid kapag nagpagawa sa kanila. Pero sanay gumawa ng mga malalaking bagay ang company kaya mas mahirap kapag maliliit na chorva. Buti na lang yung isa kong friend ay may kuya na naglililok. Sinagot niya yung penholder kaya ang ginagawa na lang namin ngayon ay magcut ng papel na ilalagay dito. Medyo bare yung penholder kaya nag-iisip pa kami ng ilalagay.










Hopefully, matapos lahat ng preps ngayong week dahil sabi ni mama at papa, nasa bahay na lang dapat kami. Mga pamahiin talaga...

Sunday, April 06, 2008

Updates!

Dami kong nagawa at ginagawa. I-bullet na lang muna natin para may ayos kahit papaano.

1. Nagdistribute na kami ng invitations (FINALLY) na pinaghirapan namin ng sis ko. Mas pinaghirapan ng sister ko, actually. Naging dahilan din ang invitation ng unang sagutan namin ni kafatid. May sigawan at crying drama pa ako. Maganda naman ang kinalabasan ng aming invitation (dapat lang!).

2. Nagcut ako ng mga papel para sa souvenir naming pencil holder (halata bang teacher kami pareho?). Sa isang bond paper may 12 na squares na kailangang gupitin. Mayroon pang naghihintay na kalahating ream. Magandang cutter ang drama ko bukas sa opis ni paeng.

3. Kinuha ko yung gown ko at damit ng entourage. Hindi pala pwedeng isukat yun. Hahaha. Ayun, maganda ang gown ko. Di ko lang sure kung maganda ako sa damit. Nyek! Sa 18th ko pa malalaman.

4. Natapos na namin ang seminars sa church. Huli kanina, yung precana seminar. Masaya acutally ang aming experience dito. Sa April 15 ang aming confession.

5. Kailangang magsulat ng aming lovestory (ria and paeng version), likes sa partner at challenges na sa tingin namin ay aming dapat ma-overcome. Stuck nga ako sa lovestory kaya nagblog muna ako. Di ko alam kung ikukuwento ko objectively o kung lalagyan ko pa ng kilig factor.

Sa kasal pa lang yung nasa taas. Meron pang work-related.

1. Hindi ko pa tapos ang magsubmit ng grades online. Kailangang sa Tuesday maayos na yan. Dalawang sections na lang naman yata.

2. Umaattend ako ng lectures tungkol sa Linguistics. Last week ang may namiss akong 2 araw dahil sa may meeting ako. Sayang naman ang pagkakataon.

3. Kailangan ko ring ayusin ang schedule ng klase ng aming department para sa first semester. Windang... Magbabago pa ang skedyul ng klase sa UP from MonThurs at TuesFri na sked, magiging TuesThurs at WedFri na. Dahil iyang sa palaging natatamaan ang Lunes ng holiday economics. Mawawalan tuloy ng midweek rest ang students at teachers.

4. Kailangan ko ring ayusin ang aking application para sa PhD. Yes po. Nagdesisyon na akong ituloy ang pag-aaral.

Ayan, pwede na akong magsulat ulit ng version ko ng aming labstori. Hehehe.

Wednesday, April 02, 2008

Voice

Naglagay ang bata ng pagkain sa lamesa.
Inilagay ng bata ang pagkain sa lamesa.
Nilagyan ng bata ng pagkain ang lamesa.
Pinaglagyan ng bata ng pagkain ang lamesa.
Nagpalagay ang bata ng pagkain sa lamesa.
Ipinalagay ng bata ang pagkain sa lamesa.
Pinalagyan ng bata ng pagkain ang lamesa.


OMG. I'm studying again. =)

blogger templates | Make Money Online