Monday, April 07, 2008

Pictures!

Para naman magkaroon ng kulay ang blog ko, ayan magpopost na ako ng ilang pictures.

Una, ang aming pinaghirapang invitation. Kwento muna. Pinilit ko talaga na i-DIY namin. Ibig sabihin, design ng kapatid ko at ako ang tagabili ng materials. Sa papel pa lang nahirapan na kaming maghanap. Walang burgundy na papel sa national. Merong red violet, wood rose. Ni maroon (pareho lang daw ito ng burgundy) na special paper wala! Meron kaming nakitang maroon na felt paper, kumusta naman di ba? Fortunately, nadaan kami sa Wrap it Up sa SM at nakita namin na may gift wrapper sila na maroon. Yun na ang binili namin tapos matigas na papel na lang. Madali lang hanapin ang silver na glossy na multipurpose board. Ang naging problema naman namin dito ay sa printing. Hirap palang kumapit sa glossy na papel ang ink kapag laser printer ang ginamit. Buti na lang nagawan ng paraan. Ang silver ribbon ay sa Divi at ang sticker paper ay sa pambansang bukstor ng pinas. Mega cut and paste kami ng ilang gabi din para dito.


Eto naman ang souvenir namin. Napag-usapan namin ni paeng na kailangang functional ang aming souvenir. Kaya ayan, feeling ko dahil sa pareho kaming teacher ay pen holder ang binagsakan nito. Muntik na kaming magpagawa sa Papemelroti, kaso 70 pesos yata yung isa. Dahil nagtatrabaho dati si sister ko sa construction (hehehe) akala namin pwedeng makatipid kapag nagpagawa sa kanila. Pero sanay gumawa ng mga malalaking bagay ang company kaya mas mahirap kapag maliliit na chorva. Buti na lang yung isa kong friend ay may kuya na naglililok. Sinagot niya yung penholder kaya ang ginagawa na lang namin ngayon ay magcut ng papel na ilalagay dito. Medyo bare yung penholder kaya nag-iisip pa kami ng ilalagay.










Hopefully, matapos lahat ng preps ngayong week dahil sabi ni mama at papa, nasa bahay na lang dapat kami. Mga pamahiin talaga...

1 Comment:

Vince in Kyoto said...

Uyyyy... Chika ang invites!

blogger templates | Make Money Online