Monday, May 12, 2008

Anong bago?

Well, wala naman talaga akong nararamdamang mga pagbabago, maliban na lang sa tagal ng biyahe ko.

Hatid ako ng tatay ko, sundo naman ng boyfriend. Ngayon naman, sabay kami ni mister hanggang taft tapos mag-isa akong sasakay sa fx. At sa pag-uwi naman dadaanan ko si mister ulit. Bumaligtad na ang mundo. Tinutukso nga ako dito sa school na dati may sundo ako. Si paeng din tinutukso na ngayon dahil siya na ngayon ang sinusundo.

Sabog pa rin ako. Nasa amin na ang mga pictures nung kasal kaso hindi pa kami nakapili para sa album. Hinahanap na sa amin ng aming mga pamilya. At siyempre, gusto na rin naming i-share sa lahat. Hindi rin tuloy ako makapagpost ng pictures noong honeymoon (sa pamamasyal hindi sa kuwarto, ha!) kasi siyempre, dapat maunang maireport ang kasal. Haaay.

Bukod sa mahabang biyahe, may cable sa kwarto, may lalaking katabing matulog, wala naman masyadong nagbago.

Thursday, May 01, 2008

FINALLY!

yes! after many loooong weeks, nandito na ulit ako. salamat sa mga bumati!!! thanks, fans! hahaha!

i am officially, somebody's MISIS and i have a MISTER na.

wala pang pictures na madami dahil bukas pa lang ako pupunta sa C2. kapag meron na, asahan niyong ipopost ko dito.

for now, makuntento muna kayo sa isang picture.

(kami po yan)

blogger templates | Make Money Online