Tuesday, March 10, 2009

"ERASERHEADS para sa Node 3 ng International Space Station! "

From Paeng's blog:

Eto trip trip lang. NASA has entered for public polling the naming of NODE 3 ng International Space Station. There are four options (Earthrise, Legacy, Serenity and Venture) but there is also a WRITE IN option. Ginamit ito nung komedyanteng si Stephen Colbert kaya mapapansin niyo Colbert yung number one write-in suggestion. Hahaha

Now we have this knack for winning online polls sa mga beauty contest and in campaigning for the New 7 Wonders. Ngayon, tingnan natin kung mamomobilize natin ang mga Eraserheads fans to have part of the space station named Eraserheads para international talaga ang dating ng International Space Station. LOL!

Go to this site.

Write ERASERHEADS sa write-in suggestion. 400,000 plus pa lang ang bumoboto. We can vote once a day up to March 20, 2009.

Ano masasabi niyo? Game!!!

Monday, February 09, 2009

Best Bday Gift

Feb. 6 pa lang, nagstart na ang selebrasyon para sa aking 29th bday. At natanggap ko mula sa aking students ang pinaka-nakakaantig na regalo.

Binigyan nila ako ng surprise party na kumain sa oras ng lecture ko about syntax. Siguro ayaw lang nilang makinig ng tungkol sa syntax kaya nagplano sila ng program.

Meron silang 29 na surprise. Lahat sila nagbigay ng testimonial (parang friendster!). At doon naman ako tinamaan ng todong-todo. Lahat ng sinabi nila ay gagawin kong fuel para patuloy na tumakbo ang aking makina. Meron pala kasing saysay ang aking ginagawa. At naipapaabot ko sa kanila kung ano man ang gusto kong sabihin at iparating. Sa mga panahong nagkakanda-kumahog ako sa pagprepare ng lektur at ng gimik para sa klase, isipin ko na hindi ito masasayang. Sa mga araw na tatamarin akong pumasok at magturo, palagi ko na lang maiisip na may naghihintay sa akin para makinig at matuto.

Pagkatapos naming mabusog sa hinanda ng aking mga estudyante (may 29 na cupcakes, may sansrival na favorite cake ko, may palabok, at may pizza!), narealize ko na nasa tama ang pinili kong gawin sa aking buhay. Masarap ang pakiramdam na may nagsasabi sa iyo na may katuturan ang ginagawa mo.

Tuesday, February 03, 2009

Love month

Gusto ko lang ipaalam sa lahat na Pebrero ang pinakapaborito kong buwan sa buong taon. Birthday ko e. In a few days, I will be one year older. Yahooo! Kahit walang pinagkakatandaan, ok lang.

Sa lahat ng mga friends ko na magbibirthday din ngayong buwan, Maligayang bati sa inyo!

Kahit madalas sinasabi na kulang-kulang tayo, WE ROCK (labas dila, sabay senyas ng kamay!)!!!

Friday, January 30, 2009

Batanes... babu huhu

Nakaskedyul kaming umalis para sa Batanes sa Feb 13, at hanggang Feb 16 kami maglalamierda sana doon. Last year pa kami nakapagpabook dahil promo at talaga namang excited ang grupo namin.

Sasakay dapat kami ng Zest Air. Nitong mga nakalipas na linggo, maraming hindi magagandang balita tungkol sa kanila. Nagkakatakutan kaming grupo. Pero siyempre, excited pa rin kaming pumunta. Batanes iyon eh.

Kaso kahapon, nagcancel na ang Zest Air ng lahat ng flights para sa Pebrero. Kawawa naman kami. Nalulungkot tuloy ako. Ito kasi ang scheduled unang alis namin for the year. Celebration pa ng aming mga birthday. Ganyan siguro talaga. Kung hindi kami sa Batanes pupunta, saan naman kaya kami mapapadpad?

Monday, January 26, 2009

Happy Moo Year!

Maligayang bagong taon (ulit) sa inyo. Binabati ko ang mga taong nag-oobserve ng Chinese New Year, ganun din ang mga taong kailangan ng bagong simula. Sigurado akong marami pa ring tao ang windang at ngayon pa lang nakaka-recover mula sa pagod at saya noong holidays. Kasama ako doon. Kaya naman ngayon pa lang ako magpopost ng aking New Year's Resolution (in random order).

1. Magbasa ng isang article o isang chapter ng libro na may kinalaman sa Linguistics bawat araw. Kailangang maging maalam ulit o magkaroon man lang ng idea sa mga bagong ginagawa sa napili kong field. Sa ngayon, isang dangkal ang ng articles ang kailangan kong basahin para sa isang course: historikal na pagkokompara ng mga wika sa Pilipinas. Masaya at madaling intindihin ang ilan, pero may ibang author din na nakakawindang basahin.

2. Magpunta sa isang bagong lugar kada buwan o sa isang lugar na matagal na matagal ko nang hindi napapasyal. Hindi naman kailangan out of town o sa ibang bansa. Halimbawa, sa QC di pa ako nakapunta sa Parks and Wildlife, sa La Mesa Dam. Sa Paco, hindi pa ako nakapunta sa Paco Park. Mga simpleng bagay. Hindi kailangang maging magastos.

3. Bawasan ang gastos. Huwag bumili ng mga hindi kailangan. Huwag bumili ng damit na masikip ng konti. Minsan kasi bibili ako ng damit na medyo masikip sa pag-asang magiging motibasyon ko ito para pumayat. Well, hindi magandang motibasyon.

4. Gawin ang mga aktibidades na na-oo-han na. Walang mga rason-rason. May mga taong umaasa sa atin.

5. Maglista sa to-do list na tama lang. Kailangan lahat ng ililista ay magagawa.

6. Huwag masyadong supladahan ang mga estudyante. Maging pro-student. May mga pagkakataon kasi ngayon na hindi ko naiintindihan ang mga mag-aaral. Pipilitin kong intindihin sila.

7. Magpractice ng healthy living. Kapag may kainan, huwag magpakasuba. Kumain lang ng tama.

8. Kung may nangangailangan at kaya ng powers ko huwag mag-aatubiling tumulong. Tandaan ang no.4 at no.5 sa itaas.

9. Huwag matulog agad. Magbasa bago matulog. Ang daming nangyayari sa paligid, kailangang maging aware kung ano ang mga ito.

10. Mag-ipon.

Meron din ba kayo?

Friday, January 23, 2009

Weird

Araw-araw akong nagbibyahe. Mula Paco hanggang UP, jeep at fx ang sinasakyan ko. Marami akong napapansin, wala naman kasi akong kausap kaya napagtutuunan ko ng atensyon ang mga kapwa ko pasahero at mga kung bagay-bagay sa kalsada.
Kanina, nasa likod ako ng fx nakasakay, sa side ng driver. Sa harap ko, may magdyowa, si girl ang malapit sa pinto. Natutulog si girl, nakasandig sa balikat ng lalaki si babae. Tapos, naalimpungatan si girl. Umupo ng tuwid. Tapos naloka ako sa sunod niyang ginawa. Hinimas niya yung earlobe ng guy. Wala lang. Pagkatapos, nagpakakumportable ulit si girl at umidlip. Tapos nagising ulit siya, at hinimas nya ulit ang earlobe ng papa niya. Mga tatlong beses pang nangyari yun. Bago siya bumaba, hinimas niya ulit ang earlobe ni guy. Yung kabilang earlobe.

Siyempre, nakita ko lang ito. Hindi ko na inusisa. Chismis ko na lang sa inyo.

Thursday, January 22, 2009

Announcement

Friday, January 16, 2009

Anong wika ba ang panturo?

Mayroong dalawang bills sa Kongreso tungkol sa wikang panturo. Isa ang Gullas Bill, na Ingles ang nirerekomendang wikang panturo, at isa ang Gunigundo Bill, na nagsasabing dapat ay ang wikang kinagisnan ng estudyante ang gamitin. Nakakairita itong paulit-ulit na pagtalakay sa gagamiting wika sa pagtuturo. Simple lang naman yan. Turuan mo ang bata gamit ang wikang alam niya para maintindihan niya ang itinuturo mo. Bakit mo gagamiting panturo ang wikang Filipino o Ingles sa isang batang lumalaki sa isang komunidad na ang sinasalita niya at ng kanyang mga kasama ay Ilokano? Makakatulong ba iyon? Mas magiging kapaki-pakinabang para sa bata kung sa Ilokano mo siya tuturuan. Sa dinami-dami ng mga pag-aaral na nagsasabing mas natututo ang bata kapag wikang naiintindihan niya ang ginagamit sa pagtuturo, may nagpupumilit pa rin na Ingles ang gamitin. At itong mga nagpupumilit na Ingles ang gamitin ay hindi naman mga guro. Hindi nila alam at nakikita ang kalagayan ng mga estudyante.

Ano ba?

Makinig na lang kasi kayo dun sa nakakaalam. Huwag na kayong makialam pa.

Wednesday, January 14, 2009

Araw ng sweldo ngayon

Ibig sabihin nangalahati na ang unang buwang ng bagong taon. Feel niyo ba ang bilis? Magtatrabaho dapat ako kaso masakit ang ulo ko dahil ang sipon ko ay hindi pa lubusang hinog. Medyo barado ang aking ilong, pero wala naman akong maisinga.

Balik na ako sa blogging. Welcome back to me. Welcome me back.

Monday, January 05, 2009

HAPPY 2009!

Its a new year! And for the nth time, I will start the year by blogging... from work! Since I have nothing new to write at the moment I will repost my 2008 meme from my multiply.

What did you do in 2008 that you'd never done before?
- magpakasal
- enter into a PhD program
- go to another country to present a paper
- do a Talastasan (a lecture series of the college)

Did you keep your new years' resolutions, and will you make more for next year?
- I don't remember making resolutions for 2008. Pero kun meron man, pare-pareho lang naman yun at pare-pareho din lang hindi ko nagagawa nang buong taon.

Did anyone close to you give birth?
- Si ate ann, si elle na barkdada ko nung HS. Parehong di ko pa nakikita. (edit: nakita ko na si elle, pareho lang kami ngayon ng tiyan! kakaloka!)

Did anyone close to you die?
- Marami sa probinsya, mga malalayong kamag-anak daw. Papa din ni paeng =(

What countries did you visit?
- Pusan, Korea. Bakit countries lang? Ilagay ko na rin ang Ilocos Norte at Ilocos Sur, kasi first time kong pumunta dito.

What would you like to have in 2009 that you lacked in 2008?
- Disiplina. Baby ria or baby paeng.

What date(s) from 2008 will remain etched upon your memory, and why?
- April 18, 2008. Pakikipag-isang dibdib.

What was your biggest achievement of the year?
- Magpakasal? Hahaha.
- Magpresent sa isang international conference in Japanese. Poster presentation lang naman ito at may 3 pa akong kasama. Pero achievement pa rin.

What was your biggest failure?
- Yung mga projects na hindi naumpisahan.

Did you suffer illness or injury?
- Madalas lang magkasipon at ubo.

What was the best thing you bought?
- Bra (eto talaga, hehehe)

Whose behavior merited celebration?
- Mine? Joke. Sa sister ko, gumradweyt at pumasa ng board sa nursing.

Whose behavior made you appalled and depressed?
- Eto, mine talaga.

Where did most of your money go?
- Kasal
- Food

What did you get really, really, really excited about?
- Wedding
- Japanese Month
- 10th Philippine Linguistics Congress
- Pusan, Korea

What song(s) will always remind you of 2008?
- Tagalog versions ng popular English songs
- English songs in other Philippine languages

Compared to this time last year, are you:
happier or sadder?
-Happier.

thinner or fatter?
- Fatter

richer or poorer?
- Richer (wehehehe!)

What do you wish you'd done more?
- Travel sana. Kahit sa malalapit na lugar lang. Maraming plano kaso halos walang napuntahan =(
- Magbasa ng academic stuff
- Magpuyat, para makapagbasa

What do you wish you'd done less of?
- Tulog. Parang kalahating araw ako tulog.
- Katams.

How did you spend Christmas?
- Sa tatlong bahay. Kapagod, pero sulit.

How many one-night stands?
- Hindi pa namin nagagawang nakatayo e. Joke lang yan! Syempre wala, ano ba yan. May asawa na akong tao eh =p

What was/were your favorite TV program(s)?
- The Colbert Show.
- The Practice, Sex and the City. Eto na lang ang mga inaabutan namin pag nakauwi na kami.

Do you hate anyone now that you didn't hate this time last year?
- Wala naman yata.

What was the best book you read?
- The Time Traveler's Wife

What was your greatest musical discovery?
- hindi ako naging masyadong involved sa music ngayong taon

What did you want and get?
- Marriage. Hehehe. OA na.

What was your favorite film of this year?
- Konti lang naman napanood ko ngayong taon: A very special love, Iron Man, Ploning, Batman, My only u, Wall-E...

What did you do on your birthday, and how old were you?
- Tumugtog sa isang wedding sa Gazebo Royale. Akala ko maganda doon. Kukulitin ko pa naman sana si paeng na dun kami magpareserve. Maayos naman, pero overrated. 28 na ako. Feeling ko tanda ko na.

What one thing would have made your year immeasurably more satisfying?
- Being pregnant sana.

What kept you sane?
- Hubby
- Family
- Friends

Which celebrity/public figure did you fancy the most?
- John Lloyd Cruz

What political issue stirred you the most?
- Wala akong sinalihang mga rally pero affected ako sa lahat ng issue na umiikot kay GMA. Pechay sila!

Who did you miss?
- Nakita ko naman lahat ng gusto kong makita this year :) Pero nakakamiss ang family ko sa Japan.

Who was the best new person you met?
- Lawrence Reid. Linguists rock!

Tell us a valuable life lesson you learned in 2008.
- Pag may itinanim, may aanihin.
- Pag maganda yung itinanim mo, maganda rin yung aanihin mo.
- Hindi dapat ma-haggard sa mga bagay-bagay, kasi may mga tutulong sa iyo para matupad iyon. Pero minsan, kailangang mo ding hayaan magwork yung iba sa pace nila at maganda din ang kalalabasan nito. Weird no?
- Kung gusto mo maganda ang maging labas ng plano mo, humingi ka ng advise sa mga tao, pero ikaw din mismo dapat at gumalaw para dito.
- Hindi lahat ng tao nakikinig sa sinasabi mo so piliin mo lang kung kanino mo sasayangin ang laway mo. hehehe.

Did you fall in love in 2008?
- Over and over again.

If yes, with who?
- kailangan pa bang i-memorize yan?

Quote a song lyric that sums up your year.
Then I found
A very special love in you
It's a feeling
That's so totally new
Over and over
It's burning inside
And I found
A very special love in you
And it almost breaks me
In two
Squeezing me tighter
But I'm never gonna let go
- A Very Special love

It is all about love talaga last 2008!

blogger templates | Make Money Online